Ipinagbibili na ni Sen. Robin Padilla ang mamahaling Museo de Padilla na matatagpuan sa Quezon City.
Sa isang Facebook post ni Padilla noong Linggo, Abril 19, inilatag niya ang mga katangian ng naturang museo.
“Malugod ko po na inaalok ang Museo de Padilla sa sinoman na interesado na bumili nito,” anang senador.
Aniya, may four-bedroom apartment ang museo. Dalawang studio-type apartment, at ang mismong main house na may anim na bedroom.
Bukod dito, mayroon din itong music room, conference hall, main kitchen, tatlong ballrooms,
at isang meeting hall.
Ang Museo de Padilla ay pinagdadausan ng mga pagdiriwang tulad ng binyag, kasal at iba pa. Nakabatay ang disenyo nito sa tradisyonal na arkitekturang Pinoy na may kasamang Spanish motifs.
Samantala, wala namang binanggit na dahilan si Padilla kung bakit niya ipinagbebenta ang museo. Para sa mga interesadong bumili, maaaring makipag-ugnayan sa [email protected].