May 07, 2026

Home SHOWBIZ

Kris Aquino, sinoft launch special someone ni Bimby

Kris Aquino, sinoft launch special someone ni Bimby
Photo Courtesy: Kris Aquino (IG)

Ipinasilip ni Queen of All Media Kris Aquino ang babaeng natitipuhan ng bunsong anak niyang si Bimby sa mismong kaarawan nito.

Sa latest Instagram post ni Kris noong Linggo, Abril 19, makikita ang larawan ni Bimby habang nakaakbay sa babaeng nakatakip ng puso ang mukha.

“Happy Birthday Bimb!” saad ni Kris sa caption.

Nauna nang ibinuking ng Queen of All Media ang tungkol sa babae ng bunso niya noong Sabado, Abril 18.

Ayon kay Kris, hindi raw niya akalaing magiging excited siya sa pagdating ng araw na magkakaroon na ng babaeng gugustuhin si Bimby.

Tsika at Intriga

'Dun ka sa idol mong perpekto!' Talak ni Mark Yulo sa basher, may pinapatamaan?

“I never thought I’d be excited for the day when Bimb really likes a girl. He told me he feels she’s ‘special’ - my birthday wish for my bunso is that she does become his first girlfriend and who knows, God willing, also his last- yes, I’ll be very blessed to have her for my daughter-in-law (in 7-9 years?),” saad ni Kris.

Suspetsa ng ilang netizens, si Cassandra Ynares ang special girl sa buhay ni Bimby. Panganay na anak siya nina Antipolo City Mayor Junjun Ynares at Andrea Ynares.

Matatandaang magkasamang dumalo sina Bimby at Cassandra sa caucus sa Sitio Mansetta, Brgy. Cupang, Antipolo noong kasagsagan ng kampanya noong 2025 midterm elections