Ibinahagi ng beauty queen-actress na si Celeste Cortesi ang kaniyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram post noong Linggo, Abril 19.
Sa kaniyang post, inilakip ni Celeste ang isang larawan niya habang naka-side view kung saan tila ipinakikita niya ang baby bump.
Sa pangalawang larawan naman, ipinakita niya ang sonogram kung saan makikita ang imahe ng kaniyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng ultrasound.
Bumaha naman ng pagbati para kay Celeste mula sa mga netizen at kapwa celebrities kagaya na lamang nina Kylie Verzosa, Raymond Gutierrez, Tim Yap, Chelsea Manalo, at iba pa.
Sey naman ni Michelle Dee, tiyak na magiging "best mom" si Celeste sa kaniyang magiging anak.
Hindi naman binanggit o tinag ni Celeste ang ama ng kaniyang pinagbubuntis, subalit batay sa ilang mga ulat, ang partner ni Celeste ay ang British na si Jonathan Sterling.
Si Celeste ay siyang itinanghal na Miss Earth Philippines 2018 at Miss Universe Philippines 2022.