May 19, 2026

Home BALITA Eleksyon

Vic Rodriguez sa pagtakbong Pangulo ni Baste Duterte: 'Presidency is destiny'

Vic Rodriguez sa pagtakbong Pangulo ni Baste Duterte: 'Presidency is destiny'
Photo Courtesy: Vic Rodriguez (FB)

Naurirat ang dating executive secretary na si Atty. Vic Rodriguez kaugnay sa posibleng pagtakbong Pangulo ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte sa darating na eleksyon sa 2028 sakaling hindi matuloy ang kapatid nitong si Vice President Sara Duterte na naunang mag-anunsiyo ng kandidatura.

Sa latest episode ng “Politika All The Way” noong Sabado, Abril 18, sinabi ni Atty. Vic na ang pamumuno Mayor Baste sa Davao ay testamento na sa kakayahan nito bilang lider.

Aniya, “You have to remember, he is the mayor of the biggest city in the Philippines, Davao City. That alone, ‘yon lang statement na ‘yon, e. It’s already a testament sa kaniyang kakayahan on how he’s running Davao City.” 

“Now, does he have any ambition to seek for the presidency? Malinaw din kay Mayor Baste, e. Gano’n din kay Vice President Inday. Ang presidency is destiny.” The more you try,” dugtong pa ni Atty. Vic.

Ayon sa kaniya, ambisyunin man ng isang tao ang pagkapangulo, kung marami namang hadlang, nangangahulugan lamang ito na hindi ito laan sa kaniya.

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

“Pero hayaan mo lang at walang struggle, that could be for you. Sila [VP Sara at Baste], I think, gano’n ‘yong kanilang pananaw,” saad ni Atty. Vic.

Matatandaang ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, tila hinahanda na ng kampo ng mga Duterte si Mayor Baste bilang plan B para tumakbong Pangulo sa 2028.

Ito ay matapos italaga ang huli bilang presidente ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban). 

Maki-Balita: ‘Kabado kampo ng mga Duterte!’ Mayor Baste, 'plan B' kung ma-impeach is VP Sara—Rep. Tinio