May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pinoy, most wanted ng FBI dahil sa sexual exploitation ng minors; may patong na ₱1.4M sa ulo!

Pinoy, most wanted ng FBI dahil sa sexual exploitation ng minors; may patong na ₱1.4M sa ulo!
Photo courtesy: FBI - Dallas (FB)

Naglabas ng wanted poster advisory ang Federal Bureau of Investigation (FBI) laban sa isang Pilipinong kinilalang si Austin Jan Sy Yatco, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa online sexual exploitation ng mga bata menor de edad sa Amerika.

Ayon sa verified social media page ng FBI Dallas noong Sabado, Abril 18, nag-aalok sila ng pabuya na hanggang $25,000 o higit ₱1.4 milyon para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto at pagkakahatol kay Yatco.

Batay sa inilabas na impormasyon, si Yatco ay isinilang noong Agosto 27, 1998 sa San Pedro, Laguna, Pilipinas. Siya ay may taas na 5’7”, may itim na buhok, brown na mga mata, at may bigat na 149 pounds. Nakatala rin na siya ay isang Filipino national at nakapagsasalita ng English at Tagalog.

Nakasaad din sa wanted notice na si Yatco ay may degree sa Computer Science at nagtrabaho umano sa larangan ng teknolohiya.

Sinasabing wanted si Yatco dahil sa umano’y pagkakasangkot sa isang online group na nagsamantala sa mga menor de edad mula 2019 hanggang 2021, gamit ang mga gaming platforms at social media.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ayon sa FBI, pinilit umano ang mga menor de edad na gumawa ng child pornography at ipinamahagi ito ng grupo sa internet.

Nahaharap si Yatco sa kasong "conspiracy to produce child pornography" at "conspiracy to receive and distribute child pornography."

Pinaniniwalaang may koneksyon si Yatco sa Plano, Texas at sa Pilipinas, kung saan posibleng siya umano ay nagtatago.

Hinimok ng FBI ang publiko na agad magbigay ng impormasyon sa kanilang mga awtoridad upang mapadali ang pagkakadakip sa suspek.

Photo courtesy: FBI - Dallas (FB)

Makikita rin ang advisory sa verified social media page na "FBI Most Wanted."