Ibinahagi ng komedyante at “It’s Showtime” host na si MC Muah ang pangaral na ibibigay niya sakaling makausap ang batang bersyon ng sarili.
Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Abril 19, sinabi ni MC na papayuhan umano niya ang younger self niya na maging malusog.
“Kung younger self ko, kung kakausapin ko, maging healthy. Dati abuso kami sa katawan. So ang ending, sinisingil kami nang paunti-unti ngayon,” saad ni MC.
Sey tuloy ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, “Maganda ‘yan na malaman ng mga Gen Z. ‘Yong mga ginawa mo ng 20s, pagbabayaran mo ng 30s [o] 40s.”
Matatandaang isinugod sa ospital si MC noong Pebrero 2025 dahil hirap siyang makaihi na sinabayan pa ng sobrang pananakit ng ibabang bahagi ng likod niya.
Kalaunan, natuklasan umanong may bato sa daanan ng kaniyang ihi, dahilan para maharangan ang likidong lumalabas sa kaniyang ari.
Pero sa kasalukuyan, durog na ang bato sa kaniyang kidney matapos itong i-shockwave.