May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Dami nang mulat, 'di na muling pipikit pa! Ogie, 'beke nemen' hirit kay Mayor Leni sa 2028

'Dami nang mulat, 'di na muling pipikit pa! Ogie, 'beke nemen' hirit kay Mayor Leni sa 2028
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Tila may panawagan ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz kay dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo, na ikonsiderang muling tumakbo sa 2028 presidential elections.

Manifesting ang Kakampink at "Leni-Kiko" tandem supporter na si Ogie sa "Leni2028," batay sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Abril 19.

Giit ni Ogie, kahit na nakakatanggap ng iba't ibang paninira at pang-ookray, hindi raw matatawaran ang malasakit, kongkretong mga plano, at kawalan ng bahid ng korupsyon kay Robredo.

"Inookray ng mga troll na second taker sa bar exams, pero sila mismong naninira, ramdam nilang lawyer talaga na totoong may malasakit, hindi corrupt, maraming konkreto at malinaw na plano para sa bayan at taumbayan si Atty. Leni," saad ni Ogie.

Aniya pa, "Patuloy na tumataas sa survey, ibig sabihin, nanganganak na ang bilang ng mga naniniwala sa kanya bukod sa mga solid supporters."

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Kaya naman giit pa ni Ogie, "Dami nang gising. Dami nang mulat. At di na muling pipikit pa. Ma’am Leni Gerona Robredo! Beke nemen."

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (FB)

Kalakip ng post ang larawan ni Robredo habang nakasakay sa isang pink jeepney, kung saan mababasa naman ang "Gobyernong tapat ni Leni 2028 Angat Buhay Lahat."

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (FB)

Samantala, matatandaang natanong na rin si Robredo tungkol sa posibilidad na pagtakbo sa 2028, subalit ipinagdiinan niyang wala siyang balak na muling tumakbo sa national elections.

Matatandaang tumakbong pangulo si Robredo noong 2022 subalit natalo sila ng katandem na si Sen. Kiko Pangilinan, sa UniTeam nina kasalukuyang Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Pangalawang Pangulong Sara Duterte.