April 21, 2026

Home SHOWBIZ

Kelvin Miranda sa pagpanaw ng erpat: 'Wala pa akong napapatunayan sa 'yo'

Kelvin Miranda sa pagpanaw ng erpat: 'Wala pa akong napapatunayan sa 'yo'
Photo Courtesy: Kelvin Miranda (FB)

Kasalukuyang nagluluksa ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa pagyao ng ama niyang si Patricio.

Sa Instagram story ni Kelvin noong Biyernes, Abril 17, mababasa ang buong mensahe niya para sa kaniyang erpat.

“Wala pa akong napapatunayan sa 'yo magmula noong sinuway ko 'yong gusto mo na magtapos ako ng pag-aaral para sa pag-aartista ko,” saad ni  Kelvin wrote.

Dagdag pa niya, “Marami akong laban na itinago sa'yo para isipin na kaya ko at malakas ako na kaya ko ‘yong sarili ko.”

Ayon kay Kelvin, hindi umano niya makakalimutan ang lahat ng pagtatalo nila ng kaniyang ama. Doon umano niya napatunayan na lahat ng sinabi nito sa kaniya ay totoo.

Gusto hawakan beat ni Bieber? Fan sa Coachella, inintriga ng netizens

Aniya, “Akala ko kaya ko na pero ngayon ko lang naramdaman na ganito pala kasakit kapag wala ka na. Wang kasing-sakit. Hindi ka nagpaalam sa akin, sa amin.”

“Mahal na mahal kita hindi man natin ito nasasabi sa isa’t isa pero alam kong alam mo na mahal kita alam ko rin na mahal mo ako,” dugtong pa ng aktor.

Samantala, hindi naman na binanggit pa ni Kelvin ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang ama.