April 22, 2026

Home SHOWBIZ

Mark Herras, binabalak nang umexit sa showbiz?

Mark Herras, binabalak nang umexit sa showbiz?
Photo Courtesy: Mark Herras (IG)

Bukas ang aktor na si Mark Herras sa posibilidad na isang araw lilisanin niya ang mundo ng showbiz.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Abril 17, binanggit ni Mark na napag-uusapan umano nila ng misis niyang si Nicole Donesa ang pangingibang-bansa.

“She's gonna study again, si Nicole. Dito sa Pinas muna. Nursing. That's her dream to be a nurse. Okay na, nakapasa na po siya sa Trinity,” lahad ni Mark.

Dagdag pa niya, “I'm really happy for her. Sakto, dual citizen naman si misis, and then 'yong panganay ko naka-dual na rin. Inaayos ko na rin 'yong bunso ko.”

Sa tantiya ni Mark, apat o limang taon lang ang bibilangin, nasa Amerika na si Nicole para magtrabaho.

Luigi Muhlach, tinawag na bayaw si Daniel Padilla

“Sabi niya, ipe-petition daw niya ako. Sabi ko, whatever you want. Kung nasaan 'yong mga bata, nando'n ako,” anang aktor.

Gayunman, aminado pa rin si Mark na hindi raw niya maisip sa ngayon ang buhay niya nang wala sa mundo ng showbiz.

Sabi niya, “Wala akong ibang magandang kuwento sa buhay ko before my family kundi itong showbiz life ko lang.”

Sa kasalukuyan, mahigit dalawang dekada nang nasa industriya si Mark. Matatandaang nagsimulang mamayagpag ang karera niya noong 2003 hanggang 2005.

Ito ay nang tanghalin siya bilang kauna-unahang Ultimate Male Survivor sa reality show ng GMA Network na StarStruck.

Kalaunan, binansagan si Mark bilang “Bad Boy of the Dance Floor.”