Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang naging tribute post ng TV actor na si VJ Mendoza para sa pumanaw na award-winning theater, TV, at movie actress na si Sue Prado, noong Martes, Abril 14.
Sa Facebook post ni VJ noong Huwebes, Abril 16, nag-post siya ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Sue, at nagbahagi ng ilang kuwento ng engkuwentro sa kaniya.
"Back in 2023, as I was about to begin hosting for a christmas party, you came to me and had a shift in your mood. I asked you, 'partner ok ka lang?'" pagbabahagi ni VJ.
"You held my hand and we had the most beautiful conversation, you opened up and trusted me and since then our bond became even stronger."
"I will always cherish that moment."
"Sue never forgets your birthday, she will be the first to greet you. Always," saad ni VJ.
"I will always remember you for your unmatched artistry and most importantly for being a friend," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from VJ Mendoza (FB)
Sa isa pang FB post sa kaparehong araw, ibinunyag niya ang ipinadalang mensahe sa kaniya ni Sue noong mga panahong birthday niya at may pinagdaraanan siya.
Pero unfortunately, umnao'y parang hindi yata nabasa ni VJ ang birthday greetings at comforting messages sa kaniya ng aktres dahil sa kaabalahan.
"Diba sabi ko sainyo di yan nakakalimot ng birthday si Sue ," saad ni JV sa post.
"Pasensiya ka na Sue, minsan di ko na nabubuksan messages ko lalo pag busy tayo sa trabaho," aniya pa.
"Itong huling message mo hindi ko na rin kinaya replyan kasi ito yung nadawit ako sa isang issue na araw araw ako pinapadalhan ng mga hate messages at death threats," saad ni VJ.
"Salamat Sue sa pag alala, at gusto ko malaman mo kinaya ko," dagdag pa.
Naka-tag ang post sa social media account ni Sue na "Sue M. Prado."
Kalakip naman ng post ang screenshot ng mensahe sa kaniya ni Sue noong Hulyo 28, 2024 at Hulyo 28, 2025 kung saan nagpaabot ng pagbati sa kaniyang kaarawan si Sue, subalit hindi nga niya nareplayan.
Bandang Nobyembre 14, 2025, 2:18 ng hapon, nagpadala pa si Sue ng comforting message sa kaniya, sa pagsubok na kaniyang pinagdaanan.
Mababasa sa mensahe ni Sue, "Saw your post, VJ. i don't know [what] happened, pero nakaka-worry. Please take extra care," saad ng aktres.
Hindi makikita sa thread kung nakasagot ba si VJ sa mensaheng ito ni Sue.
Photo courtesy: Screenshot from VJ Mendoza (FB)
BINANATAN NG NETIZENS
Kapansin-pansin naman sa comment section ng posts na tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang post na ito ni VJ.
Pinaratangan ng mga netizen si VJ na isang "clout chaser" dahil dito. Ayon pa sa iba, bakit kung kailan wala na raw ang tao, saka lang nagsasabi ng pagpapahalaga sa gesture nila.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"In today’s episode of 'how do I make this about me?'"
"Bakit pag wala na yung tao saka binibigyan ng importance yung mga gesture? 3 beses po nagmessage ni isang reply walang natanggap. Ka-sad kung kelan wala na yung tao saka napansin."
"Pfft. Patawa siya. Clout!"
"Nung nagchat chat sayo di mo pinapansin dedma ka lang tas ngayon kung kelan wala na tsaka mo binigyang pansin... Tama nga yung speech ni Ms. Sue recently sa last movie nya na hanggat nanjan pa yung tao pahalagahan mo hindi yung kung kelan wala na tsaka mo bibigyang halaga..."
"Comment section you didn’t expect."
"Sad reality, kung kelan wala na yung tao tska naaappreciate noh?"
Photo courtesy: Screenshots from VJ Mendoza (FB)
EKSKLUSIBO: TUGON NI VJ MENDOZA
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay VJ upang hingin ang kaniyang panig tungkol sa isyu, sinabi niyang nalulungkot siya sa negatibong interpretasyon ng mga netizen sa kaniyang post.
Kagagaling lang ni VJ sa wake ni Sue noong Biyernes ng gabi, Abril 17.
"Malungkot that what was supposed to be a period of grieving, of celebrating Sue’s life of how she means to us turned into an online spectacle," saad ni VJ sa pamamagitan ng Messenger.
Hindi raw inasahan ni VJ na huhusgahan ng mga netizen ang pagkakaibigan nila ni Sue, sa pamamagitan ng secreenshots ng mga mensahe nito, kung saan, ang layunin lamang daw niya ay ipakitang hindi nakalilimot sa pagbati sa birthday si Sue.
"Hindi ko in-expect that people would judge our friendship based on a screenshot that was meant to show how she never forgets birthdays, and even reached during a tough time," saad ni VJ.
Depensa ni VJ, kahit hindi siya naka-reply sa messages ni Sue, madalas naman daw silang nagkikita sa personal at mas nakakapag-usap pa sila.
"Una, mas madalas po kami magkita in person, maliit lang industriya, either sa parties, premiere, events, or trabaho so even if hindi ko nabubuksan ang Messenger nakakapag-usap kami."
"Hindi ko inakalang they would carve out this narrative na ngayon wala na saka ko binuksan tapos pinost ko pa."
"It's unfair and completely untrue," saad pa ni VJ.
Pinayuhan daw siya ng ilang direktor, katrabaho, at kakilala na huwag na lang pansinin ang hate comments laban sa kaniya, dahil ang mas mahalaga, wala silang problema sa pagitan ng namayapang kaibigan.
"Kagabi, nakausap ko na rin po mga directors namin, mga producers, mga katrabaho and i did open about the hate comments and sinabi nila na wag ko na pansinin because kami kami po we are all very close, wala po problema sa amin."
"Nagsimula friendship namin ni Sue kasi nag-host kami ng Christmas party ng Idea's First and since then, naging malapit na kami," aniya pa.
Sa totoo lang daw, naiintindihan daw niya ang mga negatibong opinyon ng netizens laban sa kaniya. Nakiusap naman siya sa mga netizen na bilang kaibigan ni Sue, hayaan siyang makapagluksa.
"Ako po honestly, I understand na kung may negative opinion sa akin, if ayaw nila sa akin, tanggap ko po because kasama siya sa trabaho ko."
"Pero pakiusap ko din po na sana bigyan kami ng time magluksa," aniya pa.
Natanong din ng Balita kung may balak ba siyang magsampa ng legal actions sa netizen na magiging "below the belt" sa bashing.
Aniya, hindi pa raw niya nakakausap ang Viva Artists Agency (VAA) na nagma-manage sa kaniya, tungkol dito.