May 20, 2026

Home SHOWBIZ

Jayda Avanzado bilang susunod na Sarah Geronimo: 'Flattered po talaga ako'

Jayda Avanzado bilang susunod na Sarah Geronimo: 'Flattered po talaga ako'
Photo Courtesy: Jayda Avanzado, Sarah Geronimo (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang actress-singer na si Jayda Avanzado kaugnay sa bansag ni Vic Del Rosario sa kaniya bilang susunod na Sarah Geronimo.

Sa latest episode ng “TicTALK with Aster Amoyo” nitong Biyernes, Abril 17, sinabi ni Jayda na “flattered” at “honored” umano siyang nakikini-kinita siya ni Vic sa katauhan ng Popstar Royalty.

Aniya, “I'm just really flattered and honored na gano'n po 'yong tingin niya sa akin. Medyo nape-pressure din po ako. I mean, these are big shoes to fill.”

“But at the of the day, alam ko naman po na nandito po ako just do my best dito sa industriya. And masarap po sa pakiramdam na ‘yong manager ko, si Boss Vic, malaki po ‘yong tiwala niya in me,” dugtong pa ni Jayda.

Sa katunayan, ayon kay Jayda, kahit noong 9-anyos pa lang daw siya ay bet na raw talaga siya ni Vic na maging bahagi ng Viva.

Andrea Del Rosario, nilinaw ang kumalat na larawan nila ni Sen. Bato dela Rosa

“He [Boss Vic] watched me perform at one of my dad's mall show. He was on a mall tour for his album at the time under Viva Records,” lahad ni Jayda.

Dagdag pa niya, “Ta's inabutan po niya po ng note 'yong dad ko n'on. As in papel po. Ta's nakasulat, 'Give her to me, I'll make her a star.”

Kaya naman todo-pasasalamat siya kay Vic dahil talagang hinintay umano siya nito kung kailan handa na siyang mag-artista.

Matatandaang si Jayda ay anak ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na kapuwa artista at performer.