Hindi itinanggi ng Kapuso Sparkle artist at anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Eman Bacosa ang pagiging seloso niya.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inurirat si Eman kung seloso ba siyang tao.
Sabi ni Eman, “Medyo,” sabay tawa.
“Paano ka magselos?” sundot ni Boy. “Delikado ito, e. Boksingero ka, e.”
“Sinasabi ko lang naman po sa kaniya kung may pinagseselosan ako kaysa magtampo ako. Pangit naman ‘yon,” saad ni Eman.
Matatandaang lumutang noong Marso sa social media ang screenshot ng mga ibinahaging cryptic post ni Eman na iniugnay sa nararamdaman niya kay Kapuso star Jillian Ward.
"I can fight 100 men who want you. But I can't fight a guy who you want," saad sa cryptic post.
Halos kasabay ito ng ginawang pagsurpresa ni Jillian sa “Never Say Die” co-star niyang si Raheel Bhyria.
Maki-Balita: Eman Bacosa, nagselos nga ba kay Raheel Bhyria?
Ngunit sa isang panayam ng GMA Integrated News noong Marso 19, sinabi ni Eman na wala namang espisipikong pinatutungkulan ang naturang post.
“Wala namang specific 'yong [post]. About din naman 'yon sa family and friends ko,” saad ni Eman.
Muli niya itong iginiit sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Aniya, “Natuwa lang po ako sa post. Saka naisip ko po na maraming makaka-relate po doon. Siyempre, lalo na sa mga cousins mo, kung may cousin kang babae o kapatid kang babae.”