April 20, 2026

Home SHOWBIZ

BINI, tumindig para sa ABS-CBN

BINI, tumindig para sa ABS-CBN
Photo Courtesy: BINI, ABS-CBN (FB)

Naglabas ng pahayag ang Nation’s girl group na BINI sa gitna ng kasalukuyang pinagdadaanan ng ABS-CBN.

Matatandaang umalingawngaw kamakailan ang ulat na isa sa mga miyembro umano ng pamilya Lopez ang nagpanukalang isara na nang tuluyan ang ABS-CBN.

Ito ay dahil umano sa mga obligasyong pampinansyal nito, na lubos na naapektuhan simula nang hindi aprubahan ang franchise renewal ng estasyon noong 2020.

Kaya sa latest Facebook post ng BINI nitong Biyernes, Abril 17, sinabi nila na bukod sa Blooms, alay nila sa ABS-CBN ang kanilang Week 2 performance sa Coachella.

Anila, “Sa ABS-CBN, maraming maraming salamat po. Salamat sa pagtanggap sa walong babae na walang kasiguraduhan noon kundi ang kagustuhang mangarap.”

Kris Aquino, sinoft launch special someone ni Bimby

“Alam naming maraming pinagdadaanan ngayon at sa maliit na paraan, sana ang performance na ito ay magsilbing paalala na ang mga pangarap na binuo ninyo, ang mga artistang pinalaki at minahal ninyo, patuloy na lalaban at magbibigay-inspirasyon saan man kami dalhin ng panahon,” dugtong pa ng BINI.

Sa huli, tiniyak ng Nation’s girl group na bibitbitin nila ang ABS-CBN sa bawat hakbang, kanta, at tagumpay.

“Dahil ang tagumpay naming ito, hindi lang sa amin...tagumpay din ito ng ABS-CBN,” saad ng grupo.

Samantala, iginiit naman ng kompanya na ang isyu ay isang alitang pampamilya na nararapat manatili sa pribadong usapin. 

Gayunpaman, tiniyak nila na hindi sila mag-aatubiling ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga maling paratang.

Maki-Balita: Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez