May 22, 2026

Home BALITA Metro

'Right to Care’ card ng QC para sa LGBTQIA+, nasa QC e-Services na!

'Right to Care’ card ng QC para sa LGBTQIA+, nasa QC e-Services na!
Photo courtesy: Quezon City Government (FB)

Inanunsyo ng Quezon City local government unit (LGU) nitong Huwebes, Abril 16, na nasa “Qc e-Services” na ang kanilang “Right to Care Card” (RTC) para sa LGBTQIA+ community. 

Ayon pa sa QC LGU, narito ang “Three easy steps” upang makapag-register ang mga residenteng bahagi ng LGBTQIA+ community: 

1. Mag-log ni sa QC e-Services at piliin ang “Right to Care” card icon. 

2. Pindutin ang “Apply for Right to Care Card.” 

3. Punan ang sariling personal information sheet at ng partner at wag kalimutang pindutin ang “Save Application,” na makikita sa dashboard. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Paalala pa ng QC LGU, ang registrant ay makatatanggap ng email confirmation matapos ang registration. 

Hintayin din daw ang tawag mula sa Gender and Development Council (GAD) Office para sa verification at status ng kanilang RTC application. 

Para naman sa mga nais magpaabot ng kanilang mga katanungan at iba pang detalye, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Gender and Development Council Office 6th Floor, High Rise Building, Quezon City Hall. 

Gayundin sa telephone number na 8988-4242 local 8739 at sa email na [email protected]

Ang RTC ay programang inilunsad ng QC LGU noong 2023 upang matulungan ang mga residenteng parte ng LGBTQIA+ community na makagawa ng desisyong medikal para sa kanilang partner. 

Layon ng programang ito na mabigyan ng pantay at magalang na espasyo ang bawat residente ng QC, anuman ang kanilang kasarian.