Kinaaliwan ng mga netizen ang social media post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa regalo nila ng mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, para sa anak nilang si Sixto na nagdiriwang ng 7th birthday.
Sa social media post ni Marian noong Miyerkules, Abril 15, nagpaabot siya ng pagbati para sa 7th birthday ni Sixto kalakip ang mga larawan nito habang nagbo-blow ng candle sa cake, at hawak ang isang manok na tandang.
Batay sa post ni Marian, "pet chicken" daw ang naging request ni Sixto para sa birthday niya.
"On your 7th birthday, Sixto, you wished for something simple yet special—a pet chicken. Today, we’re so happy to grant your wish. Happy birthday, our love," ani Marian.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Balikan Po namin to pag naging sabongero na si sixto! Charoot hahaha happy birthday super sweet boy sixto sana mabuhay baka umiyak din to pag nagkataon hehe."
"Happy birthday baby boy nasa iyo na lahat kaya simpleng bagay nlang yung mga wishes mo tulad ng manok."
"Haha, ayayy! Sabungero to paglaki or gusto lang may poultry farm."
"Nagmamatured kse ang Bata They dont need EXPENSIVE CELEBRATION. same sa anak ko Gusto Cake lang at Isang Laruan na favorite niya. Pag ganto Mindset ng mga anak at parents Hindi tlaga ma mroblema sa pera."
"Mapagmahal at mabait to na bata kc mapagmahal din sa mga sa mga hayop."
Isinilang si Jose Sixto G. Dantes IV noong 2019, at bunsong anak ng DongYan. Ang panganay naman nila ay si Maria Letizia o "Zia" na ipinanganak naman noong 2015.