May 22, 2026

Home BALITA

Giit ni De Lima: Dapat pagsabayin paglutas sa krisis, pagpapanagot kay VP Sara

Giit ni De Lima: Dapat pagsabayin paglutas sa krisis, pagpapanagot kay VP Sara
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima kaugnay sa resulta ng isang survey na nagsasabing 69% umano ng mga Pilipino ay pumapabor sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang X post ni De Lima nitong Miyerkules, Abril 15, sinaway niya ang mga nagsasabing ibinbin muna ang paglilitis sa Bise Presidente dahil sa krisis na kinakaharap ng Pilipinas bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan.

“[T]igil-tigilan na nila yung script na huwag raw ituloy ang impeachment dahil may krisis, na halata namang panlihis lang nila sa isyu para makatakas na naman sa pananagutan,“ saad ni De Lima.

Dagdag pa niya, “Dapat at kayang pagsabayin ang paghahanap ng solusyon sa krisis at pagpapanagot sa mga lumustay sa kaban ng bayan na nagkakait ng nararapat na serbisyo para sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng pangangailangan.”

Matatandaang apat na reklamong impeachment ang inihain laban kay VP Sara. Dalawa sa mga ito ay deklarado ng House Committee on Justice na “sufficient in form and substance.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'