May 22, 2026

Home SHOWBIZ Events

Mimiyuuuh, natalbugan daw si Anne Curtis sa outfitan; Dra. Vicki Belo, rumesbak!

Mimiyuuuh, natalbugan daw si Anne Curtis sa outfitan; Dra. Vicki Belo, rumesbak!
Photo courtesy: Screenshots from Mimiyuuuh/Dra. Vicki Belo (FB)

Usap-usapan ng mga netizen na tila naungusan daw ng social media personality na si Mimiyuuuh si "It's Showtime" host at tinaguriang "Dyosa" ng showbiz na si Anne Curtis, nang pareho silang dumalo sa press tour ng "The Devil Wears Prada 2" sa Tokyo, Japan, at makapanayam ang mga bida nitong sina Meryl Streep at Anne Hathaway.

Hindi makapaniwala ang dalawa na sa pambihirang pagkakataon, makakaharap at makakadaupang-palad pa ang dalawang superstars na gumanap sa dalawang iconic roles bilang sina Miranda Priestly at Andy Sachs ng nabanggit na pelikula, na makalipas ang lagpas dalawang dekada, ay ngayon lang nagkaroon ng sequel.

Kitang-kita naman kay Mimiyuuuh na talagang umeffort siya para lang sa nabanggit na once in a lifetime event kasama ang iconic stars.

"A million girls would kill for this job," mababasa sa Instagram post ni Mimi noong Abril 8.

"Here in Tokyo, Japan for the Red Carpet Premiere of The Devil Wears Prada 2! BEYOND GRATEFUL TO BE HERE TOGETHER WITH THE ONE AND ONLY @annecurtissmith."

Events

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!

"Hindi pa rin ako makapaniwala na I’m living this life na makakahinga ako ng parehong hangin nila @merylstreep at @annehathaway. GRABE! Marami pa po kayong aabangan from this junket! LIFE IS LIFING!" saad pa ni Mimi.

Maging si Anne, naglabas rin ng kaniyang kasiyahan sa naganap na one-on-one interview kina Meryl at Anne.

"A dream interview with actresses I absolutely admire. Had my Andy Sachs moment as soon as I walked in, ako lang talaga e noh? Of all times!!!! Haha. After that my heart rate was hitting the roof, until their warmth took over. As an actress myself, it was such an honor to meet them. I was part of the generation shaped by The Devil Wears Prada 20 years ago and I can’t wait to see the sequel on the big screen. The Devil Wears Prada 2 in cinemas April 29," saad ni Anne.

Bagama't masaya ang lahat para kina Anne at Mimiyuuuh, ilang netizens naman ang tila nagkumpara sa outfit nilang dalawa.

May mga nagsasabi kasing mas nakaka-Devil Wears Prada pa raw ang damit ni Mimi kaysa kay Anne, na bagama't fashionable at classy, hinanapan lang ng ibang netizens na sana raw ay pumantay sa pagkaeksaherada ng outfit ng content creator.

Isang TikToker pa nga ang gumawa ng content dito, bagay na kinomentuhan naman ng sikat na celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Mababasa sa komento ni Belo gamit ang verified TikTok account, "Maybe because she's still grieving her father's death. Anne's outfit is so classy and beautiful."

Photo courtesy: Screenshot from Dra. Vicki Belo/TikTok

Matatandaang ang binabanggit ni Dra. Belo ay ang pagkamatay ng ama nina Anne at Jasmine Curtis Smith na si James E. Curtis Smith noong Enero 2026.

Maki-Balita: Unexpected yet peaceful: Anne at Jasmine Curtis, inanunsyo pagpanaw ng Australian father nila

Samantala, mukhang wala namang kaso para kina Anne at Mimiyuuuh ang nabanggit na isyu sa outfit.