May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Hard launch sa jowa? Frankie Pangilinan, flinex 'premyo niya sa Family Feud'

Hard launch sa jowa? Frankie Pangilinan, flinex 'premyo niya sa Family Feud'
Photo courtesy: Frankie Pangilinan (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila pag-flex ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie "Kakie" Pangilinan sa isang mystery guy, sa isang bakasyon sa beach na naka-post sa kaniyang Instagram account noong Huwebes, Abril 9.

Bungad na bungad kasi sa mga larawang kalakip ng post ang isang lalaking kasama niya, na batay sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan, ay espesyal para kay Kakie.

"cheese !" tanging caption ni Frankie sa post.

Naintriga tuloy ang mga netizen kung sino ang nabanggit na lalaki. Isang netizen ang napatanong sa kaniya kung boyfriend ba niya ito.

"Boyfriend mo kakie?" tanong ng netizen.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Tla pabirong sagot naman niya, "hindi po premyo ko lang po sa family feud."

Photo courtesy: Screenshot from Kakie Pangilinan/IG

Ang "Family Feud" o "Family Feud Philippines" ay long-running game show sa GMA Network na hino-host ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kamakailan lamang, naglaro si Kakie sa nabanggit na game show. 

Sa comment section, nagkomento pa ang sisteret ni Kakie na si Miel Pangilinan, ng "Ate and Kuya."

"and Yeyepot," pakli naman ni Frankie.

Samantala, kinakiligan naman ng mga netizen ang mga larawan nila ng mystery guy.

"bagay naman sila masyado"

"omg hard launch!"

"The best matchmaking I’ve ever done"

"Beautiful naman si girl. Take care Kakie"

Samantala, isang netizen ang nag-tag sa isang "Dan Laurel," na sinasabing mystery guy na kasama ni Frankie sa larawan.

"KaksterandDanster4ever," mababasa sa comment nito.

Isang netizen naman ang nagkomentong "The best matchmaking I’ve ever done."

Reply naman dito ni Kakie, "truly your finest work in my opinion."

Sinasabing si Dan Laurel ay mula sa pamilya ng mga Laurel, na unang flinex ni Kakie noong Araw ng mga Puso. Ayon sa pananaliksik ng mga marites na netizen, siya raw ay pinsan ng aktres na si Denise Laurel.

Si Denise Laurel ay great granddaughter ng dating pangulong Jose P. Laurel.

Siya rin ay granddaughter ng dating vice president na si Salvador “Doy” Laurel at misis nitong philanthropist at artist na si Celia Diaz-Laurel, at dating kongresista at naging House speaker na si Jose Bayani “Pepito” Hidalgo Laurel Jr.

Pamangkin si Denise ng dating aktor sa teatro at singer na si Cocoy Laurel, pinsan ng aktor na si Franco Laurel, at fashion designer na si Rajo Laurel.