May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Angelica Panganiban, nahirapang tanggapin ang pagiging ina

Angelica Panganiban, nahirapang tanggapin ang pagiging ina
Photo Courtesy: Anton Papa, Angelica Panganiban (IG)

Inamin ni Kapamilya star Angelica Panganiban na dumating umano siya sa puntong nahirapang tanggapin ang bago niyang role sa buhay.

Sa isang episode ng “Oh My Gan” kamakailan, sinabi ni Angelica na tila nagkaroon umano siya ng depresyon pagkasilang niya sa kaniyang panganay na si Baby Amila.

“Noong pagkapanganak ko kasi nagkaroon ako ng feeling ko, depression yata ‘yong tawag doon, dahil feeling ko tumigil ‘yong mundo ko,” saad ni Angelica.

Ayon sa kaniya, nasanay umano siya sa ingay ng ginalawan niya bilang aktres sa loob ng mahabang panahon. 

“Then, no’ng naging nanay ako, biglang nag-shutdown,” anang aktres. “Parang ‘what’s next for me?’ Then none. Wala. Ito ka. Ito ka na.”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Gayunman, sinabi ni Angelica natanggap naman din niya ang pagbabago sa buhay niya kalaunan. 

Aniya, “No’ng finally na-accept ko siya, naintindihan ko na hindi pala siya tahimik, mas umingay siya in a good way,” she said.

Matatandaang noong first birthday ng anak ni Angelica ay inamin niyang punong-puno siya ng takot nang isilang niya ito.

Maki-Balita: Angelica Panganiban, isang taon nang ‘nababaliw’ sa anak