April 23, 2026

Home BALITA National

Unemployment rate, bumaba sa 5.1% noong Pebrero 2026!

Unemployment rate, bumaba sa 5.1% noong Pebrero 2026!
Photo courtesy: MB


Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules, Abril 8, ang 5.1% unemployment rate sa bansa noong Pebrero 2026, mas mababa sa 5.8% noong Enero 2026.

Gayunpaman, mas mataas pa rin ito sa 3.8% noong Pebrero 2025, batay pa rin sa datos ng PSA.

Samantala, ibinahagi rin ng PSA sa hiwalay na datos ang employment rate sa Pilipinas noong Pebrero 2026.

Ayon sa kanilang datos, pumalo ito sa 94.9%, bahagyang mas mataas kung ikukumpara sa 94.2% noong Enero 2026.

Gayong mas mataas ito ngayon, nananatili pa rin itong mas mababa sa naitala namang 96.2% noong Pebrero 2025.

National

'Pumunta po kayo rito!' Rep. Abante, hinamon si VP Sara



Paglilinaw ng PSA, ang talang 5.8% na unemployment rate noong Pebrero 2026 ay katumbas ng 2.66 milyong Pinoy na walang trabaho; habang katumbas naman ng 49.43 milyong mga Pilipino ang mayroong trabaho.

Sa parehong ulat, nananatiling mas marami ang “wage and salary workers” sa bansa, na aabot sa 63.8% noong Pebrero 2026.

Sinundan ito ng “self-employed without any paid employee” na pumalo naman sa 27.4%.

Tinatayang 6.8% naman ang unpaid family workers, at 2.0% naman ang mga empleyadong nasa ilalim ng “own family-operated farm or business.”