Sa panahong digital, ang isyu ng pagtataksil sa pagitan ng mag-partner ay hindi na lamang nananatiling pribadong usapin kundi nagiging pampublikong diskursong madaling kumalat at pag-usapan sa social media.
Sa bawat viral na kuwento, mula sa mga kilalang artista, celebrity, hanggang sa social media influencers—ang detalye ng kanilang relasyon ay nagiging paksa ng opinyon, paghuhusga, at minsan ay ginagawang katatawanan ng netizens.
Viral ngayon sa iba't ibang social media platforms ang isang social media personality mula sa Butuan City, na CEO/owner ng isang beauty and cosmetic product, na nagngangalang "Jolina Ellorimo," na aabot sa milyon ang followers sa social media platforms.
Bukod sa napag-usapan na siya noong 2025 matapos maglabas ng public health warning ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa kaniyang produkto, ngayong 2026 ay muli na naman siyang nasangkot sa eskandalo matapos niyang personal na ihayag at ibunyag sa social media ang umano'y natuklasang "cheating" sa pagitan ng kaniyang mister na si Jumel Ellorimo at kaniyang personal assistant, na si "Mae Abuyot," na umano'y binilhan pa raw niya ng isang mamahaling cellphone.
Inilabas pa ni Jolina sa social media ang live session ng naging komprontasyon niya sa kaniyang asawa kaugnay sa isyu.
Video courtesy: via @psst719/TikTok
Mabilis na kumalat sa social media ang ilang video clips ng nito, at ginawa na ring content ng ilang content creators at vloggers. Maging ang posts ni Jolina laban sa asawa at PA, na-screenshot din ng mga netizen at pinagpiyestahan online.
Bukod dito, hindi rin nagpaawat si Jolina sa pagpo-post laban sa mister at sa umano'y side chick nito, at naglapag pa ng mga "resibo" ng umano'y naganap na kataksilan, kabilang na ang isang CCTV footage.
Photo courtesy: Screenshot from Jolina Permangel Ellorimo/FB
Photo courtesy: Screenshot from Jolina Permangel Ellorimo/FB
Photo courtesy: Screenshot from Jolina Permangel Ellorimo/FB
TUGON-SALAG NG MISTER AT UMANO'Y PERSONAL ASSISTANT NA KARELASYON
Kaugnay ng isyung ipinukol ng misis, kumakalat din ang screenshot ng naging pahayag ni Jumel sa pamamagitan ng Facebook post bilang tugon sa mga naging akusasyon ng asawang si Jolina laban sa kaniya.
Ang nabanggit na social media account na pinagmulan ng FB post ay verified Facebook account.
Ang pahayag ay isang depensa kaugnay ng kumakalat na isyu, kung saan iginiit niyang hindi totoo ang mga paratang laban sa kaniya at may dalawang panig ang bawat kuwento na hindi nabigyang-pansin.
Mariing itinanggi ni Jumel na may namagitan at may nangyari sa kanila ni Mae, at ang tanging pagkakamali lamang aniya ay ang pagiging umano'y "masyadong friendly" sa kanilang mga staff, na maaaring na-misinterpret bilang mali.
Ipinahayag din niya ang kaniyang pagkadismaya dahil hindi umano siya kinausap, kinompronta, o binigyan man lamang ng pagkakataong magpaliwanag bago inilabas sa social media ang isyu. Dagdag pa niya, labis umano siyang nasaktan dahil umabot na sa punto na naaapektuhan na ang kanilang anak, at kahit nagmakaawa siyang itigil ang pagla-live, ay ipinagpatuloy pa rin ito.
Para sa kaniya, mas pinili umano ng kabilang panig ang atensyon ng publiko kaysa sa maayos at pribadong pag-uusap, at ang pride kaysa sa kapayapaan ng kanilang pamilya. Sa huli, inihayag niya ang kanyang pagod at desisyong umiwas na lamang sa social media, sa mga mapanghusgang tao, at sa ingay ng isyung kaniyang kinahaharap.
Mababasa sa kumakalat na screenshot, "There are always two sides to every story, but you made sure mine stayed silent."
"Tanan Allegations and Accusations nmo saako, way mga kamatuoran na tanan! Ang pinaka sayup lang jud nako ani, too much friendly kaayo ko sa tanan staff nato to the point nga na mis interpret na dayon. Sorry sa tanan tanan nkong nabuhat sukad pa sa una, pero kani karon di jud nako ni madawat, You didn't ask. You didn’t confront me. You didn’t even give me the CHANCE to explain. Instead, you went straight to social media. naghulog nkos saimong atubangan, nagpa gpas nako para lang e end nmo ang live kay nadamay na atong anak but still ge pursue gyahapon."
"Funny how you chose attention over truth, and posts over respect. You didn’t want clarity, you wanted an audience. And the saddest part? You chose yourself over the sake of our family. You chose ATTENTION over peace, and pride over fixing what could have been talked about in private. So I’m done! I’m stepping away from the noise of this toxic social media, the judgment, and the people who already chose what to believe."
"Now, Signing Off," aniya pa.
Photo courtesy: Jumel Bencer Brul Ellorimo/FB
Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi na makita ang post sa FB account ni Jumel, subalit nagawa na itong ma-screenshot ng mga netizen para pagpiyestahan.
Noong Biyernes, Abril 3, mababasa naman ang Facebook post ni Mae na humihingi ng tawad kay Jolina.
Mababasa sa post, published as is, "Ma’am Jols, I don’t even know where to start, but I know I owe you a sincere apology. I’m really, deeply sorry for everything that I’ve done to you. I know that no words can ever erase the pain that I caused, pero gusto gihapon ko mo angkon sa akong sayop ug mangayo ug pasaylo gikan sa tinuod nakong kasingkasing."
"Kabalo ko nga sayop kaayo akong gibuhat. I disrespected you, your marriage, and your trust as a woman. Wala jud koy rason nga mahimong kabit sa imong bana, and I take full responsibility for that. Dili ko maghimo ug excuse kay kabalo ko nga bisan unsaon, sayop jud gihapon ko."
"Nasakitan siguro ka pag-ayo, and you didn’t deserve that kind of betrayal. As a woman myself, kabalo ko unsa kabug-at ang gibati nimo karon anger, pain, confusion… tanan. And it hurts me knowing nga ako ang hinungdan ana tanan."
"Wala ko nangayo ani nga sitwasyon, pero that doesn’t change the fact nga naka sala ko nimo. I should have known better. I should have respected your relationship and walked away the moment I knew the truth. Pero wala nako nabuhat, and I’m truly sorry for that."
"Dili ko mag expect nga pasayloon ko nimo, kay kabalo ko nga lisod kaayo na buhaton. You have every right to be mad, to hate me, or even to never forgive me. Pero gusto lang nako ipakita nga I am genuinely sorry, and I regret everything that happened.
I am taking this as a lesson in my life. Dili na gyud ni mausab. I will do better as a person and as a woman. I know I can’t undo the damage, pero I hope someday, bisan gamay lang, makakita ka ug peace."
"I’m really sorry. You didn’t deserve any of this ma’an jols," mababasa pa rito.
Photo courtesy: Screenshot from Pretchie Mae Abuyot/FB
Ang nabanggit na FB account ay hindi pa verified. Sa isa pang Facebook post ni Mae, sinabi niyang ang nabanggit na account ay bagong gawa niya.
"MAKING ANOTHER ACCOUNT OR PAGE, KAY DAGHAN FEELING PERFECT DRE SA SOCIAL MEDIA. KUNG MAKA BASH MURAG MGA PERFECT," aniya.
Photo courtesy: Screenshot from Pretchie Mae Abuyot/FB
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nakisimpatya para kay Jolina at nagpayong hiwalayan na ang mister niya at magsampa ng kaukulang legal na reklamo laban sa dalawa.
May mga nagsabi namang kahit social media personality siya, nararapat daw na isapribado na lamang ang pagresolba sa "dirty linen" nila, lalo't puwede itong mapanood ng anak nila.
"The situation involving Jolina Permagel Ellorimo-the Hamisan Beauty Products CEO, her husband Jumel Ellorimo, and Pretchie Mae Abuyot, the new assistant who was allegedly involved with Jumel, presents a painful, raw glimpse into the complexities of trust, love, and betrayal. Through the narrative of their confrontation during Jolina’s live session, we not only witness the agony of a betrayed spouse but also the ripple effects of broken trust within a family. The heart-wrenching scene of their child shouting during the quarrel amplifies the emotional toll this conflict has on innocent bystanders, especially children, who are often the silent victims in such situations."
"For me, not everything needs to be posted, especially as a couple issue, not everything needs an audience. Pero kay content creator man ka aw hala larga."
"Advice to other netizens: She will leave her husband, she is totally beautiful, she has money, she can live for herself and her family. I truly believe in the saying... 'Once a cheater, always a cheater.'"
"Grabe… kung totoo man ‘to, hindi lang puso ang nasira—pati tiwala at respeto."
"When someone is not meant for you, God may allow them to hurt you or disappoint you. Not to destroy you but to open your eyes."
PAGMO-MOVE ON NI JOLINA
Samantala, nitong Martes, Abril 7 ay patuloy pa rin sa pagpo-post si Jolina sa kaniyang verified Facebook page na "Jolina Ellorimo Official" matapos umano'y ma-close ang kaniyang original personal FB account, ngunit this time, patungkol naman sa kaniyang pagmo-move on.
"The first step of moving on," aniya.
"Lalabmeee starting now i choose myself," saad pa niya sa isa.
"11 years akong naging sayo 11 years na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Anniversarry natin march and march ginawa," pahayag pa ni Jolina, kalakip ang video ng pag-iyak niya habang tila nasa loob ng isang sasakyan.
Samantala, wala pang bagong reaksiyon, tugon, o pahayag ang kaniyang mister maging ang PA niya tungkol sa isyu.