Pinapaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng taxpayers na asikasuhin ang pagbabayad at paghahain ng kanilang 2025 annual income tax return bago ang Abril 15, 2026.
Ito ay upang maiwasan ang penalties.
Sa isang social media post nitong Lunes, Abril 6, nagpaalala ang BIR na siyam na araw na lang bago ang pagbabayad ng buwis at paghahain ng income tax return o ITR.
Maaaring i-file ang 2025 ITR sa mga revenue district office. Puwede rin magbayad online. Makikita ang form sa website ng BIR na www.bir.gov.ph