May 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dapat dalhin sa pagbiyahe ngayong Semana Santa

ALAMIN: Mga dapat dalhin sa pagbiyahe ngayong Semana Santa
Photo courtesy: Unsplash, Freepik


Ngayong Mahal na Araw, inaasahan na ang dagsa at kapal ng bilang ng mga taong luluwas papunta sa iba’t ibang lugar.

Dahil dito, nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga komyuter at biyahero na iwasan ang posibilidad ng road rage, at paigtingin ang disiplina at pagiging mapagpasensya sa pagmamaneho.

“Learn from the lessons of road rage incidents in the past. Wala itong naibubungang maganda at sisirain lang nito ang araw nyo. HIndi kabawasan sa pagkatao at pagka-lalaki ang pagpapasensya para sa kapakanan ng ating pamilya,” saad ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa isang pahayag.

MAKI-BALITA: LTFRB sa mga motorista ngayong Semana Santa: 'Keep your cool, avoid road rage!'-Balita

Maliban sa mga dapat na ugaliin sa pagmamaneho at pagbiyahe, nararapat ding alam ng mga komyuter  kung ano nga ba ang mga bagay na dapat nilang dalhin sa pag-alis nila ngayong Semana Santa.

Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), ito raw ang mga eksaktong bagay na kailangang dalhin sa pagbiyahe ngayong Mahal na Araw—lalo kung mangyari ang mga bagay na hindi inaasahan.

1. Exact fare

Ayon sa PRC, makatutulong daw ito upang mas maging mabilis ang boarding sa bus o jeep, sa gitna ng “commute rush.”

2. Water and snacks

Makatutulong ang tubig at pagkain upang mapanatili ang “hydration” at enerhiya sa gitna ng mahaba-habang biyahe patungo sa paroroonan.

3. Hand sanitizer

Mapapanatili ang kalinisan ng kamay lalo na kung mapapadalas ang paghawak sa kung ano-anong bagay habang nagco-commute.

4. Powerbank

Magagamit upang masiguro na mayroong sapat na charge ang mga cellphone para sa komunikasyon, emegency, at navigation purposes.

5. Extra shirt/towel

Makatutulong ito upang maibsan ang labis na pagpapawis lalo kung aabutan ng mainit na panahon sa gitna ng biyahe.

6. Medicine and first-aid kit

Magagamit sa posibleng insidente ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, at sa pagkakaroon ng maliliit na sugat o cuts.

7. Plastic bag

Ang plastic bag ay mahalaga sa pagbiyahe dahil una, ito ay magagamit na lagayan ng mga basura; at pangalawa, maaari itong mapaglagyan ng suka sa posibilidad ng “motion sickness.”

8. Emergency info card

Sa insidente o posibilidad ng pagkawala, pagkaligaw, o aksidente, makatutulong ito upang makapagtago at makapagbigay ng personal na impormasyon.

Kaugnay nito, ibinahagi naman sa publiko ng Department of Transportation (DOTr) nito lang Martes, Marso 31, ang hotline numbers ng kanilang ahensya, pati na ang attached agencies nito, upang matiyak na masasaklolohan o matutulungan ang sinuman sa gitna ng biyahe.

Mahalaga rin ang hotline numbers na ito ng mga kinauukulan upang madaling makahingi ng saklolo sa mga pagkakataon ng pangangailangan ng tulong.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Hotline Numbers para sa mga biyahero ngayong Semana Santa-Balita