May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Willie Revillame, iba pang mga kaibigan may palibreng sakay sa bus!

Willie Revillame, iba pang mga kaibigan may palibreng sakay sa bus!
Photo courtesy: Screenshots from Wilyonaryo (FB)

Isang makabuluhang inisyatiba ang inilunsad para sa mga commuter ngayong panahon ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa transportasyon, ni "Wilyonaryo" TV host at natalong senatorial candidate na si Willie Revillame, na naglalayong magbigay ng libreng sakay sa publiko.

Ayon sa Facebook post na mababasa sa opisyal na Facebook page ng Wilyonaryo, sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, sampung mini bus ang nakatakdang bumiyahe upang magsilbing libreng sakay para sa mga pasahero.

Layunin ng proyekto na maibsan ang hirap ng mga Pilipinong araw-araw na nakikipagsapalaran sa lansangan para makapasok sa trabaho o paaralan, sa gitna ng krisis sa presyo ng langis.

“Libre. Walang bayad. Ngiti n’yo lang, sapat na,” mababasa sa post.

Anila pa, malaki raw ang naging papel ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagsuporta sa proyekto.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Nagpasalamat si Revillame sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang pagtanggap at pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang programa.

Bilang bahagi ng paghahanda, personal pang sinubukan ni Kuya Wil ang mga mini bus sa isang road test upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng biyahe ng mga pasahero.

Aniya, mahalagang masigurong maayos ang kondisyon ng mga sasakyan bago ito ilunsad sa publiko.

Dagdag pa niya, batid niyang hindi biro ang kinakaharap ng maraming Pilipino, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina. 

Sa kasalukuyan, sumasailalim pa sa final na paghahanda ang mga sasakyan upang matiyak ang “smooth” na biyahe para sa lahat. Inaanyayahan naman ang publiko na abangan ang opisyal na paglulunsad ng libreng sakay na inaasahang magbibigay-ginhawa sa libo-libong commuter.