May 22, 2026

Home BALITA

Usec. Castro, ipagdarasal ‘lahat ng makasalanan sa mundo’ ngayong Semana Santa

Usec. Castro, ipagdarasal ‘lahat ng makasalanan sa mundo’ ngayong Semana Santa
Photo courtesy: RTVM/YT


Diretsahang ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ipapanalangin niya ang aniya’y lahat ng mga makakasalanan sa buong daigdig.

Sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Martes, Marso 31, nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga umano’y detractors at bashers ng administrasyon ngayong Semana Santa—kung saan nabanggit pa sa tanong ang mga pangalan nina Vice President Sara Duterte at dating presidential spokesperson Harry Roque.

“Sa atin lang, sa ngayon, sa panahon ngayon ay iwasan po natin sana ang pamumulitika,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “Kung wala po silang masasabing maganda, at kundi paninira lamang, tumigil muna sila—or tumigil na sila permanently, at makipagtulungan na lamang po sa administrasyon para sa ikaaangat ng ating bansa at ikaaangat din po ng bawat Pilipino.”

“Ang basher po ngayon, sinasabi natin, pansariling interes…para po magiba, masira ang gobyerno. Hindi po ‘yan napapanahon sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Anang press officer, nararapat lamang daw na ipagdasal ang lahat ng mga taong makasalanan sa buong mundo.

“Lahat po, lahat ng makakasalanan…lahat ng makasalanan sa mundo [ay dapat na] ipagdasal,” anang press officer.

Kasunod ang mensaheng ibinahagi ni Usec. Castro sa mga umano’y tumutuligsa sa administrasyon, ipinagdiinan niya rin sa parehong press briefing na hindi pagbabakasyon ang pupuntahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa probinsya ng Ilocos Norte.

Aniya, hindi raw uso sa Pangulo ang pagbabakasyon.

“Sa Pangulo po, hindi po uso ang salitang pagbabakasyon,” saad ni Usec. Castro.

MAKI-BALITA: PBBM, hindi naka-bakasyon sa Semana Santa-Balita