Inanunsyo sa publiko ng Malacañang ang half day work-from-home (WFH) duty ng lahat ng mga empleyado ng gobyerno sa darating na Miyerkules, Abril 1, 2026.
Ayon ito sa naging anunsyo ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Martes, Marso 31, 2026, bilang paghahanda bago sumapit ang paggunita ng Semana Santa.
Ani Castro, kailangan umanong magtrabaho ng mga empleyado ng gobyerno sa pamamagitan ng work-from-home setup mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghal.
“Ang announcement, April 1, all government employees, tomorrow 8 o’clock to 12 noon, work-from-home,” pagsisimula niya.
https://x.com/MB_unite/status/2038829441963687996?s=20
Matapos nito, suspendido na umano ang oras ng kanilang trabaho mula 12:01 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon.
“12:01 hanggang 5 o’clock [ng hapon] wala na pong pasok,” pagtatapos ni Castro.
Dahil dito, magkakaroon ng aabot sa apat at kalahating araw ang suspensyon sa trabaho ng gobyerno bilang paggunita sa Mahal na Araw.
Kung saan naideklara nang regular holidays ang darating na Huwebes Santo sa Abril 2 at Biyernes Santo sa darating na Abril 3, habang special non-working day sa buong Pilipinas ang darating na Sabado de Gloria sa Abril 4, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, kinilala sakripisyo ng OFWs sa Middle East sa paggunita ng Holy Week!