Inilatag na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang schedule ng kanilang road repairs sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region (NCR) kasabay ng mahabang break ngayong Semana Santa.
Saad ng DPWH-NCR sa kanilang Facebook page nitong Martes, Marso 31, inaasahang magpapatuloy ang mga pagsasaayos na ito hanggang sa Lunes, Abril 6, at ipinangako nilang matatapos ito batay sa itinakdang schedule upang hindi makaabala sa mga mamamayan pagkatapos ng Semana Santa.
Narito ang listahan ng mga lugar sa Metro Manila na gagawan ng road maintenance at rehabilitation projects:
NCR
EDSA Southbound (Magallanes Flyover)
- Asphalt Overlay (Abril 1 hanggang Abril 6)
- Expansion Joint (Abril 1 hanggang Abril 6)
EDSA (Orense St. hanggang Buendia Ave.)
- Sidewalk Improvement (Abril hanggang hanggang Abril 6)
METRO MANILA 1ST DISTRICT ENGINEERING OFFICE
Rosario Bridge along Ortigas Ave.
- Asphalt Overlay, Waterproofing (Abril 2, 12 AM hanggang Abril 6, 5 AM)
METRO MANILA 3RD DISTRICT ENGINEERING OFFICE
MacArthur Highway, Brgy. Karuhatan
- Rehabilitation/Reconstruction/Upgrading of Damaged Paved Roads - Marso 30 hanggang Abril 6)
QUEZON CITY 2ND DISTRICT ENGINEERING OFFICE
E. Rodriguez Sr. Ave. (Mariable Bridge hanggang G. Araneta Ave.)
- Excavation, Laying of HDPE Pipe Elbow, Concreting (Abril 1 hanggang Abril 6)
G. Araneta Ave. (Northbound) near E. Rodriguez Sr.
- Excavation, Laying of HDPE Pipe Elbow, Concreting (Abril 1 hanggang Abril 6)
San Juan Bridge (Northbound) along G. Araneta Ave.
- Painting of Concrete Railing (Abril 1 hanggang Abril 2)
Lambingan Bridge along Aurora Blvd.
- Retrofitting (March 30 hanggang Abril 1)
LAS PIÑAS - MUNTINLUPA DISTRICT ENGINEERING OFFICE
Almirante Creek, Las Piñas City
- Construction of Bridge and Link Slab (Marso 30 hanggang Abril 1)
Alabang - Muntinlupa Rd., Muntinlupa City
- Raising of Manholes (Marso 30 hanggang Abril 5)
SOUTH MANILA DISTRICT ENGINEERING OFFICE
P. Quirino Bridge along Pres. Quirino Ave.
- Expansion Joint (Abril 1 hanggang Abril 6)
Sa mga nakatakdang araw na ito, hinihikayat ng DPWH ang publiko na sundin ang traffic signs at on-site advisories upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.
Anila pa, magkakaroon ng temporary partial closures sa mga apektadong bahagi kaya ipinapayo rin ng ahensya sa mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.