May 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Napikon na! 2 lalaking 'bully,' utas matapos barilin ng sekyu!

Napikon na! 2 lalaking 'bully,' utas matapos barilin ng sekyu!

Nasawi ang dalawang lalaki matapos silang barilin ng isang security guard sa Cebu City.

Ayon sa mga ulat, pambubully ang tinitingnang anggulo ng pulisya dahil umano sa paulit-ulit na akto ng dalawang biktima sa suspek.

Depensa ng suspek, matagal na raw niyang kinikimkim ang paulit-ulit na pangkukursanada sa kaniya ng dalawang biktima hanggang sa nagdilim na raw ang paningin niya at saka siya napilitang bumunot ng baril at paputukan ang dalawa.

Samantala, pinabulaanan naman ng misis ng isa sa mga biktima ang paratang ng suspek hinggil sa pambu-bully sa kaniya.

Hindi umano toong bully ang isa sa mga biktima at palagi rin daw itong masiyahin at magaling makisama sa kapuwa.

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!

Pinuna rin ng nasabing ginang kung paano pinagpiyestahan ang bangkay ng mga biktima matapos videohan at i-post sa social media. 

Aniya, sa halip na tumawag daw ng tulong ang mga taong nakisilip sa crime scene, ay inuna pa raw na makuhanan ng video ang mga biktima. Nanawagan din siya ng tulong sa kinauukulan para sa gastusin daw ng kanilang pamilya matapos masawi ang kaniyang mister na nag-iisa lang daw na katuwang niya sa buhay.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na haharap sa kaukulang kaso.