May 21, 2026

Home SHOWBIZ

John Lapus, kinawindangan; nakalimutang magtanggal ng makeup sa byahe

John Lapus, kinawindangan; nakalimutang magtanggal ng makeup sa byahe
Photo Courtesy: Screenshots from Korek Ka John (FB)

Nakakaloka ang nangyari sa komedyanteng si John Lapus habang nasa isang toll collection system at tadtad ng kolorete sa mukha.

Sa isang Facebook post ng “Korek Ka John” kamakailan, mapapanood ang video kung saan inilahad ni John ang dahilan ng pagkagulat ng mga taong nakakita sa kaniya.

Aniya, “Nawala 'yong Autosweep card ko. Ang nandito lang 'yong Easytrip pa-North. Siyempre kailangan 'yon 'di ba 'pag di bumubukas 'yong barrier.” 

“So, umakyat ako dito sa Araneta Avenue para nga kumuha ng Easytrip na card. Nawala sa isip ko galing nga pala ako ng shooting. So pagbukas ko ng bintana, nagulat 'yong mga tao kasi ganito ang hitsura ko,” dugtong pa ni John habang natatawang itinutok ang camera sa mukha niya na puno ng makeup.

Humingi naman siya ng paumanhin sa gwardiyang bantay noong mga araw na ‘yon.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Sorry kay Kuya na bantay sa Autosweep,” saad ni John.

Ang Autosweep ay ginagamit kapag dumadaan sa South Luzon Expressway, Ninoy Aquino International Airport Expressway, STAR Tollway, Skyway, Skyway Stage 3, Muntinlupa-Cavite Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Samantala, ang Easytrip naman ay ginagamit kapag babagtasin ang North Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac Expressway, Manila-Cavite Expressway, Cavite-Laguna Expressway at C5 South Link.