Lubos ang pagka-proud ng mag-asawang Ice at Liza Seguerra sa anak nilang nakapasa sa iba’t ibang universities sa abroad.
Saad ni Liza sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Marso 28, tila isang “emotional rollercoaster” ang nagdaang linggo para sa kanilang pamilya, dahil bukod sa hinihintay nilang college application results ng anak na si Amara, ipinagdiwang din nila ang 18th birthday nito.
“This week we’ve been celebrating Amara’s 18th birthday, but we’ve also been waiting on her college applications results. I didn’t realize this whole experience was gonna be such an emotional rollercoaster—not just for her but also for me and Ice,” pagbabalik-tanaw ni Liza.
Sa hindi nila inaasahang pagkakataon, halos lahat ng bigating universities abroad na hinihintay ni Amara ay tinanggap siya.
“And guess what?
Columbia University- Accepted
UC Berkeley - Accepted
USC- Accepted
Harvard University- Waitlisted
Stanford University - ACCEPTED!!!” masayang paglilista ni Liza sa universities na nag-reply sa anak ng kanilang pagtanggap at waitlisting.
Kaya gayun na lamang ang pagkilala at paghanga ni Liza sa naging disiplina at pagsusumikap ni Amara, dahil bagama’t hindi ito naging madali, hindi pa rin ito sumuko.
“[T]his isn’t luck. This is hard work. This is discipline. This is you showing up over and over again, even when it wasn’t easy. This is all you!” pagkilala ng ina.
Kaya anuman raw ang piliin ni Amara sa tumugon na universities, tiniyak ni Liza na susuportahan nila ito ng asawang si Ice.
“So my love, embrace it. Be proud of it. Celebrate it because you have earned every single bit of this. And whatever you choose (I know you’ve chosen already), we’re right here with you. Always,” proud at masayang saad ni Liza.