May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Nasawing 18-anyos na estudyante, binigyang-parangal sa graduation

Nasawing 18-anyos na estudyante, binigyang-parangal sa graduation
Photo courtesy: Merr-C Society Academy (FB)

Kinilala at binigyang-parangal ng isang paaralan sa Malolos, Bulacan, ang nasawi nilang mag-aaral, sa kanilang graduation ceremony noong Biyernes, Marso 27. 

Mapapanood sa ulat ng GMA Integrated News nitong Sabado, Marso 28, dala ang naka-frame na litrato ng Grade 12 student na si Vincent Carl Soliman, ang ina nitong si Marie Rose Soliman ang umakyat sa entablado upang kuhanin ang medalya at diploma mula sa mga awtoridad ng paaralang Merr-C Society Academy. 

Makikita rin na nagpakuha rin ng litrato si Marie Rose sa standee ni Vincent matapos ang kanilang commencement exercises. 

Ang nasabing standee ni Vincent ay kasama rin sa naging class picture ng kaniyang mga kamag-aral. 

Matatandaang unang naiulat ng Malolos City Police Station at Bulacan Police Provincial Office sa kanilang Facebook page noong Linggo, Marso 22, ang pagpatay kay Vincent matapos siyang masangkot sa naganap na suntukan malapit sa Caingin Elementary School.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Saad pa sa pahayag ng mga awtoridad, sa kasagsagan ng karambola, isa ring menor de edad na suspek, ang umano’y bumunot ng patalim at sinaksak si Vincent sa kaliwang bahagi ng tiyan, na nagind dulot ng kaniyang pagkamatay. 

Ayon pa sa pahayag, sa kasalukuya, isang suspek na ang nasa kustodiya ng Malolos City Police Station para sa pagsasampa ng kaukulang kaso, habang ang kaugnay pang dalawang menor de edad sa insidente ay nai-turnover na sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Malolos. 

Sa kaugnay na ulat, ayon sa mga kaanak, kamakailan lamang din ipinagdiwang ni Vincent ang kaniyang ika-18 na kaarawan. 

MAKI-BALITA: Asaran ng kabataan, nauwi sa rambol; graduating student, patay sa saksak!

Bukod pa sa naging pagkilala sa graduation, nagpahatid din ng kanilang pakikiramay ang Merr-C Society Academy sa kanilang Facebook post

“With deep sorrow and heavy hearts, we, the school community of Merr-C Society Academy, Inc., join the family and loved ones of Vincent Carl T. Soliman in mourning his untimely passing,” saad ng paaralan. 

Anila pa, patuloy nilang aalalahanin ang mga naging pangarap at alaala ni Vincent sa kanilang paaralan, at bagama’t naging maiksi ang kaniyang buhay, ang presensiya nitong nananatiling makabuluhan. 

“A Grade 12 TVL-HE student, Vincent will be remembered for the life he shared, the dreams he carried, and the memories he leaves behind in our school community. Though his journey was brief, his presence has touched many,” pakikiramay ng paaralan. 

“May his soul rest in eternal peace, and may his family find comfort and strength in this time of grief,” dagdag pa nila.