May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Da hu? Isa sa mga delegado sa Miss Universe PH, ‘di na matutuloy sa kompetisyon

Da hu? Isa sa mga delegado sa Miss Universe PH, ‘di na matutuloy sa kompetisyon
Photo Courtesy: MUPH (FB), Freepik

Inanunsiyo ng Miss Universe Philippines (MUPH) na may isang kandidata na hindi na matutuloy pa sa pagrampa sa nasabing prestihiyosong kompetisyon.

Sa latest Facebook post ng Miss Universe Philippines nitong Sabado, Marso 28, sinabi nilang pinahahalagahan ng organisasyon ang kakanyahan ng bawat kandidato habang pinapanatili nila ang isang espasyo na positibo at may respeto.

"Following concerns that were brought to our attention, the organization undertook a careful and thorough review of the matter. The delegate was given both verbal and written guidance to help address the situation,” saad ng MUPH.

Dagdag pa nila, “Despite these efforts, certain behaviors continued in ways that were not aligned with standards we aim to uphold,”

Kaya naman napagpasyahan ng organisasyon na huwag nang patuluyin pa sa kompetisyon ang nasabing delegado.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"We remain dedicated to ensuring that the experience is constructive and meaningful for everyone involved," pahabol pa nila.

Samantala, hindi naman pinagalanan ng MUPH ang nasabing delegado na tinutukoy sa pahayag.