Pinagtibay ng International Olympic Committee (IOC) ang polisiyang magbabawal umano sa mga transgender athletes na lumahok sa female category ng kahit na anong sports events sa Olympics.
Sa bagong ikinasang polisiya ng IOC, kinakailangang sumailalim ng mga babaeng atleta sa one-time gene-screening test upang mapatunayan ang totoo niyang kasarian.
“Based on scientific evidence, the IOC considers that the presence of the SRY gene is fixed throughout life and represents highly accurate evidence that an athlete has experienced male sex development,” anang IOC.
Bunsod nito, lahat ng mga babaeng atletang nag-aasam na makatungtong sa 2028 Los Angeles Olympics ay naka-mandatong sumailalim sa gene-screening test.
Kabilang sa mga pagsusuring gagawin ay ang screening sa pamamagitan ng saliva, cheek swab o blood sample.
Paglilinaw pa ng IOC, isang beses lang umano gagawin ang naturang pagsusuri sa isang babaeng atleta.
Ayon kay IOC President Kirsty Coventry, malaki ang nagiging ambag ng genes ng isang tao sa maiging pagkapanalo o pagkabigo sa bawat kategoryang sinasalihan nito sa Olympics.
“At the Olympic Games, even the smallest margins can be the difference between victory and defeat,” ani Coventry.
Samantala, sa Pilipinas, nauna nang napaulat ang pagsalang sa gene-screening test si Olympic medalist Nesthy Petecio kabilang na rin ang buong Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).