May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Kris Aquino at Dingdong Dantes nagkita, bakit kaya?

Kris Aquino at Dingdong Dantes nagkita, bakit kaya?
Photo Courtsy: Screenshots from Jonathan Velasco (IG)

Muling nagtagpo ang landas nina Queen of All Media Kris Aquino at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. 

Sa latest Instagram post ng hairstylist ni Kris na si Jonathan Velasco noong Lunes, Marso 23, mapapanood ang pasilip sa pag-aayos niya sa heralalu ng kaniyang kliyente.

“The A-Team behind the Queen of All Media,” saad sa caption.

At sa isang bahagi ng video na ibinahagi ni Jonathan, nahagip ang eksena ng pagkikita nina Kris at Dingdong sa Bonifacio Global City (BGC).

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Wawooo nice to see you smiling continue healing well darling"

"Sana mawala na yung manas niya and pagka wala non tuluyan na siyang maging health, In Jesus Name!!! Yun lang birthday wish ko for more than 2 years na, sana gumaling na completely si Ms. Kris, siya idol ko sa kaartehan as in"

"Nakakalabas na sya! "

"nakaka kaba ang pagtaba ni Ms.Kris"

"May the good lord heal you completely @krisaquino "

"Can't wait to see you and hear you talk a lot and more and more chika. @krisaquino "

"miss kris looks healthy as she gained a little bit of weight. this is so nice to see. sana nag tuloy tuloy na po ang pag galing at pag lusog mo po ms ms kris "

"The power of prayer Soooo great to see Krissy grabeh the fighter that she is @krisaquino "

"Ay magaling na si madam!!!! Thanks for posting, Jonathan!!! "

Samantala, wala namang binanggit ang uploader tungkol sa detalye ng pagkikita nina Dingdong at Kris. 

Pero matatandaang minsan na silang nagkasama sa pelikulang “Segunda Mano” na kalahok noon sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF).