May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Chloe San Jose, maayos ang relasyon sa mga utol ni Carlos Yulo

Chloe San Jose, maayos ang relasyon sa mga utol ni Carlos Yulo
Photo Courtesy: Chloe San Jose, Carlos Yulo (IG)

Naurirat ang social media personality na si Chloe San Jose kaugnay sa kasalukuyang ugnayan niya sa mga kapatid ng boyfriend niyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 23, kinumpirma ni Chloe na maayos ang relasyon niya sa mga kapatid ng kaniyang nobyo.

“We're good po. Actually, not to magbuhat ng bangko, pero I have always been me na nag-e-encourage even if he really didn't want to,” saad ni Chloe.

Dagdag pa niya, “At a time when it was super crazy, and talagang like maingay, I have always been the one to encourage him. [Sabi ko,] 'Mahal, you know, if you don't want to deal with the other parts of your family, at least your siblings.”

Matatandaang noong Enero ay kasama ni Carlos si Chloe at ang mga kapatid niya nang magdiwang ng kaarawan ang pumapangalawa sa kaniya na si Karl Eldrew.

‘The Lord Jesus truly answers prayers!’ Alex Gonzaga, buntis ulit!

Ito ay sa kabila ng mga pampamilyang isyu nila na lalong sumabog noong magwagi si Carlos nang dalawang beses sa Olympics noong 2024.

Kaugnay na Balita: 'Isasama ba natin 'to?' Tanong ni Carlos kay Chloe kung isasabay si Eldrew, inintriga