“Twenty-four hours in the tub, twenty-four hours of your thought”
Itinuring na “lifesaving beat” ng American Heart Association (AHA) ang kanta ng isang sikat na boy group para sa “Hands-only” cardiopulmonary resuscitation (CPR).
Ayon sa social media post ng AHA noong Linggo, Marso 22, ang “One More Night” ng K-Pop superstars, BTS, dahil mayroon itong 117 beats per minute, na itinuturing nilang “right tempo” para sa Hands-only CPR.
Ayon pa sa AHA, ang Hands-only CPR ay ang CPR na hindi ginagamitan ng rescue breaths.
Sa dagdag na pag-aaral ng American Red Cross, ito ay nakatutulong upang mailigtas ang buhay ng isang indibidwal mula sa cardiac arrest, kung saan ang puso ay huminto na sa pagtibok o kung ang pagtibok nito ay hindi na nakakapagpaikot ng dugo sa utak at iba pang vital organs.
Dahil 100 to 120 times per minute ang inirerekomendang chest compression rate ng mga eksperto, ayon pa sa AHA, nakatutulong ang musika sa emergency training.
Bukod sa “One More Night,” ang “Body to Body” rin ng BTS ay isa pa sa lifesaving beats dahil mayroon naman itong 120 beats per minute.
Ilan pa sa mga kantang inirekomenda ng organisasyon para dito ay ang “Stayin Alive” ng Bee Gees, “Dance No More” at “Ready, Steady, Go!” ni Harry Styles, at “Gonna Get This” ng Hannah Montana na isang Disney live-action comedy series.
Ang “One More Night” ng BTS ay parte ng kanilang “Arirang” album nito lamang Marso 20, na kauna-unahan nilang full-group album release sa loob ng tatlong taon at siyam na buwan mula ng kanilang anthology album na “Proof” noong 2022.