May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Chloe San Jose, big time na regalo ni Lord kay Carlos Yulo

Chloe San Jose, big time na regalo ni Lord kay Carlos Yulo
Photo Courtesy: Carlos Yulo (IG)

Itinuturing ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo bilang big time na regalo mula sa Panginoon ang girlfriend niyang si Chloe San Jose.

Sa isang Instagram post ni Carlos noong Sabado, Marso 21, nagpaabot siya ng mensahe para kay Chloe na nagdiwang ng kaarawan nito.

“Di mo alam kung gaano ako ka-proud sa ’yo sa lahat ng mga ginagawa mo. Mapa-school o work, bukod pa do’n ‘yong suporta at effort na binibigay mo sa akin, grabe ikaw ‘yong may birthday pero ako ‘yong niregaluhan ng big time ni Lord hehe,” saad ni Carlos.

Dagdag pa niya, “Ang wish ko para sayo pinakaminamahal ko ay maabot mo lahat ang mga pangarap at mga ninanais mo sa buhay.”

Samantala, tiniyak naman ni Carlos kay Chloe na lagi niya itong sasamahan, iingatan, susuportahan, at mamahalin.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

“Iloveyou po sobra! ” pahabol pa ng two-time Olympic gold medalist.

Sa kasalukuyan, lampas limang taon nang magkarelasyon sina Chloe at Carlos. Nagdiwang sila ng kanilang ikalimang anibersaryo noong Hulyo 2025.

Maki-Balita: Carlos, ipinagwagwagan pagmamahal kay Chloe sa 5th anniversary nila