Nagbigay ng paalala ang mister ni dating SexBomb Girls member Izzy Trazona na si Alvin Aragon tungkol sa kung saan dapat ipinapasok ang ari ng lalaki.
Sa latest Instagram post ni Alvin noong Lunes, Marso 16, sinabi niyang ang etits umano ay dapat eksklusibo lang na ipinapasok sa puwerta ng babae.
Aniya, “Ang Penis pang penetrate sa isang Vagina Walang i pepenetrate kapag sa kapwa mo lalaki ito ipepenetrate."
“Hindi rin pwedeng Vagina sa Vagina naman…dahil ang isang purpose nitong Vagina ay para ipenetrate ng Penis,” dugtong pa ni Alvin.
Paliwanag niya, hindi dapat ipinapasok ang etits sa wetpaks dahil labasan ito ng ebak at utot. Hindi umano ito naaayon sa blueprint ng paglikha ng Diyos.
“So ang Penis ay Denesign ng Diyos para Ipenetrate ang Vagina sa loob ng buhay Mag asawa ng…Lalaking asawa at babaeng asawa. Ito po ang Normal, Tama, at Mabuti sa Mata ni Hesus,” saad ni Alvin.
Dagdag pa niya, “Wag ipilit ang Hindi Normal, Hindi Tama, Hindi Mabuti Sa mga Pilipino at sa mga Batang Pilipino.”
Matatandaang naging kontrobersiyal si Alvin matapos niyang magbigay ng pananaw sa isang panayam hinggil sa pagiging transwoman ng anak-anakan niyang si Sofia Trazona, na umani ng samu’t saring reaksiyon.
Bukod dito, hinaluan din niya ng malisya ang pangalan, pananamit, at pagtatanghal ng SexBomb Girls na tila hindi umano kaaya-aya sa mata ng Diyos.
Basahin: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality