April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Tatlong magkakamag-anak na bibili sana ng ginto, natagpuang patay!

Tatlong magkakamag-anak na bibili sana ng ginto, natagpuang patay!

Patay na at tadtad pa ng mga bala ng baril nang matagpuan ang bangkay ng tatlong magkakamag-anak na bibili lang umano ng ginto sa Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa mga ulat, sa sapa na na-rekober ang bangkay ng isang cellphone technician habang itinapon naman sa kalsada ang mga labi ng kaniyang asawa at kapatid.

Lumalabas sa imbestigasyon na ibinaba ang mga bangkay ng biktima mula umano sa isang kotse—ayon na rin sa salaysay ng ilang saksi sa lugar.

Nagtugma naman ang naturang mga salaysay matapos makarekober ng pulisya ang isang abandonadong kotse sa bayan ng Camalaniugan.

Ayon sa mga awtoridad, lumawas patungong Camalaniugan ang mga biktima mula sa Tuguegarao City kung saan mismo sila nakatira, para sana makipagkita sa kanilang katransaksyon sa bentahan ng ginto.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Subalit, patay na sila nang natagpuan sa bayan ng Lal-lo.

Batay sa inisyal na ulat na imbestigasyon ng pulisya, pagnanakaw ang maaaring motibo sa pagpaslang sa mga biktima. 

Tinatayang nasa ₱1.1 milyon ang perang dala ng mga biktima para ipambili umano ng ginto at napag-alamang nawawala.

Samantala, naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek matapos silang magkasa ng hot pursuit operation. Narekober sa kanila ang ilang baril, iba't ibang bala ng baril at granada.

Kasalukuyan na silang nasa kustodiya ng mga awtoridad na nahaharap sa kaukulang kaso.