Asahan ang panibagong bugso ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, Marso 17, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa isang press briefing nitong Lunes, Marso 16, sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na tataas ang presyo ng Diesel ng ₱20.40 - ₱23.90 kada litro, habang ang Gasolina naman ay papalo ng ₱12.90 - ₱16.60 kada litro.
Ang Kerosene ay tataas ng ₱6.90 - ₱8.90 kada litro.
Ang naturang pagtaas ng presyo ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.
Samantala, naniniwala ang Department of Transportation (DOTr) na kailangan talagang itaas ang pamasahe dahil sa patuloy pa rin na pagtaas ng presyo ng produkto sa petrolyo.
Ayon sa naging pahayag ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez nito ring Lunes, sinabi niyang layunin daw ng fare hike na panatilihin ang sustainability at stability sa transportasyon ng bansa.