April 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Emma Tiglao, inireklamo isang resto; waiter, nagsabing 'Ang kapal ng mukha!'

Emma Tiglao, inireklamo isang resto; waiter, nagsabing 'Ang kapal ng mukha!'
Photo courtesy: Emma Tiglao (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang rant sa Facebook post ni Miss Grand International 2025 Emma Tiglao matapos ang karanasan sa isang waiter ng isang seafood restaurant na kinainan nila ng kaniyang pamilya kamakailan.

Bukod sa beauty title na mayroon siya ngayon, si Tiglao ay isa ring model, journalist, news anchor, at television presenter.

Maki-Balita: KILALANIN: Si Emma Tiglao, hinirang na Miss Grand International 2025

Sa Facebook post ni Tiglao nitong Sabado, Marso 14, ikinuwento niyang nagpunta sila ng kaniyang pamilya upang mananghalian sa Crabs N Crack Infinity branch.

"I don’t usually rant online, but I believe this experience is worth sharing so others can be aware and hopefully so we can all learn from it," disclaimer ng beauty queen.

Tsika at Intriga

Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez

Ayon sa kaniya, paborito ng kanilang pamilya ang seafood kaya excited silang tikman ang kanilang inorder na Bundle A at B na may chili garlic, Cajun, at butter garlic na sauce.

Gayunman, nang dumating ang kanilang pagkain ay napansin nilang hindi tugma ang sauce sa kanilang inorder. Sa halip na chili garlic, dalawang Cajun at isang butter garlic umano ang naihain sa kanilang mesa.

Maayos naman umano nilang ipinaalam ang pagkakamali sa staff, ngunit sinabi raw sa kanila na hindi na ito maaaring palitan dahil naihanda na ang pagkain. Upang hindi na lumaki ang usapin, nagtanong na lamang sila kung maaari silang mabigyan ng kaunting chili garlic sauce bilang kapalit.

Ayon kay Tiglao, kinilala naman ng staff ang pagkakamali at nagbigay ng chili garlic sauce bilang complimentary, bagay na kanilang pinasalamatan.

Subalit habang ipinapahanda na nila ang natitirang pagkain para i-takeout, narinig daw niyang sinabi umano ng waiter na humawak ng kanilang order ang mga salitang “ang kapal ng mukha.”

Dahil dito, sinabi ni Tiglao na labis siyang nabigla sa narinig. Aniya, hindi siya mahilig makipagtalo ngunit naniniwala siyang mahalagang manatili ang respeto sa anumang sitwasyon.

"However, while we were preparing to have the food packed for takeout, the waiter who handled our order said, 'ANG KAPAL NG MUKHA.' In that moment, my heart started racing and my hands turned cold. I’m not someone who looks for conflict, but I also believe that respect should never be optional," aniya.

Bilang isa ring negosyante, ibinahagi ni Tiglao na palagi niyang pinaaalalahanan ang kaniyang mga tauhan na maging magalang at propesyonal sa mga customer, gaano man kaabala o kahirap ang araw sa trabaho.

"As a business owner myself, we always remind our team that no matter how busy or stressful the day gets, we must always treat customers with kindness and professionalism. A single moment of disrespect can stay with someone longer than we think," aniya.

Mensahe niya sa waiter, sinabi niyang umaasa siyang magsilbing-aral ang pangyayari hindi lamang para sa naturang empleyado kundi para sa lahat ng nasa service industry. Dagdag pa niya, bilang customer din ay tiyak na ayaw ng sinuman na maranasan ang ganoong klaseng pagtrato.

Dagdag pa niya, bilang customer din ay tiyak na ayaw ng sinuman na maranasan ang ganoong klaseng pagtrato.

"To the waiter who said those words, I genuinely hope this becomes a lesson not just for you, but for all of us in the service industry. We are all human, and we all deserve to be treated with dignity."

"CUSTOMER KA RIN KUYA AT FOR SURE AYAW MO RIN NA GAWIN SAYO YUNG GINAWA MO SA AKIN," aniya pa.

Sa kabila ng insidente, kinilala rin ni Tiglao na humingi ng paumanhin ang assistant manager ng restaurant para sa naging asal ng waiter—isang hakbang na kaniyang pinasalamatan.

"I also want to acknowledge that the assistant manager apologized for the waiter’s manner, which we appreciate," aniya.

Sa huli, hinikayat niya ang lahat na piliin ang pasensya, kabaitan, at respeto sa bawat pakikipag-ugnayan sa kapwa.

"Let’s all choose patience, kindness, and respect in every interaction," pahayag pa ni Tiglao.

Photo courtesy: Screenshot from Emma Tiglao/FB

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang pamunuan ng nabanggit na restaurant tungkol sa insidente.