April 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Winelcome ang summer 2026: Hirit ni Andrea Del Rosario, nakalimutan na ang flood control issues!

Winelcome ang summer 2026: Hirit ni Andrea Del Rosario, nakalimutan na ang flood control issues!
Photo courtesy: Andrea Del Rosario (FB)

Agree at aprub sa mga netizen ang hirit ng aktres na si Andrea Del Rosario matapos niyang sabihing tila nakalimutan na raw ang flood control issues, lalo't papasok na naman ang summer.

Sa Facebook post ni Andrea noong Sabado, Marso 7, ibinahagi niya ang larawan habang nasa beach at nakasuot ng itim na shades at one-piece bikini.

"Nakalimutan na Ang flood control issues! Welcome Summer 2026!!!" mababasa sa caption.

Photo courtesy: Screenshot from Andrea Del Rosario/FB

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, dinepensahan si Sarah Lahbati sa paglalako ng mga gamit

"Sa tag ulan balik yan"

"True po nakakatawa man pero tutuo po yung sinasabi nio"

"malaya pa din at nagenjoy sa perang pinaghirapan nilang nakawin."

"Double check ma'am...walang hiya na talaga lahat ng mga politko."

Matatandaang ilang buwan na ang lumipas subalit wala pang "big time" o mga politikong nasa likod ng flood control projects ang tuluyang nakukulong at nananagot dito.