April 13, 2026

Home BALITA

Sen. Chiz, isinusulong na rin '4-day workweek' sa mga pribadong kompanya

Sen. Chiz, isinusulong na rin '4-day workweek' sa mga pribadong kompanya

Hinimok ni Sen. Chiz Escudero ang mga pribadong kumpanya na ikonsidera ang pagpapatupad ng four-day onsite workweek o kaya’y staggered work-hour schemes upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Iminungkahi ito ng senador matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagpapatupad ng four-day workweek sa mga tanggapan ng executive branch ng pamahalaan simula Marso 9, 2026 bilang hakbang upang makatipid sa enerhiya.

Ayon kay Escudero na makatutulong ang flexible work arrangements upang mabawasan ang pangangailangan sa araw-araw na transportasyon, mapababa ang operating costs ng mga kumpanya, at mabigyan ng kaunting ginhawa ang mga manggagawa.

“Acting this early as we anticipate what could possibly happen would strengthen the country’s resilience should the situation worsen,” Escudero said.

Dagdag pa niya, mas lalawak ang benepisyo ng pansamantalang compressed work arrangement ng pamahalaan kung makikilahok din ang pribadong sektor, lalo na sa malalaking business districts.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Partikular niyang hinimok ang mga kumpanya sa Makati at Bonifacio Global City na ikonsidera ang naturang hakbang dahil sa matinding daloy ng trapiko sa mga lugar na ito.

“These areas experience some of the heaviest daily traffic volumes, making them ideal starting points for mobility-oriented workplace reforms,” he said.

Binanggit din ni Escudero ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency na nagsasabing umaabot sa humigit-kumulang ₱3.5 bilyon kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa trapiko sa Metro Manila, at maaaring umabot sa ₱5.4 bilyon kada araw pagsapit ng 2035 kung hindi ito matutugunan.

“If we are losing ₱3.5 billion every single day because of traffic, that means Metro Manila is bleeding roughly ₱105 billion a month and more than ₱1.27 trillion a year,” Escudero said.

Bunsod nito, nanawagan din ang senador sa mga lokal na pamahalaan sa mga pangunahing business district na makipagtulungan sa mga employer sa pagpapatupad ng mga mobility strategy tulad ng sabayang staggered schedules, pagpapabuti ng pedestrian access, at mas ligtas na cycling routes.

Hinimok din niya ang publiko na makatulong sa pagtitipid ng enerhiya sa pamamagitan ng pagbibisikleta, carpooling, at paggamit ng energy-efficient practices sa bahay.