April 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie, na-miss kalidad ng mga mambabatas noong araw: 'Ngayon, parang kahit sino na lang, pwede!'

Ogie, na-miss kalidad ng mga mambabatas noong araw: 'Ngayon, parang kahit sino na lang, pwede!'
Photo courtesy: MB File Photo

Nagpahayag ng kaniyang saloobin ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa umano’y pagbabago sa kalidad ng mga mambabatas sa bansa.

Sa isang Facebook post noong Marso 4, 2026, ibinahagi ni Diaz ang kaniyang tila pagkadismaya at pangungulila sa mga dating senador at kongresista na aniya’y kilala sa talino at malasakit sa bayan.

Batay sa post, tila nalulungkot ang showbiz news personality na tila nagbago na umano  ang pamantayan pagdating sa pagiging halal na opisyal sa kasalukuyang panahon.

"Nakaka-miss yung matatalino at makabayan na senador at congressman nung araw. Ngayon, parang kahit sino na lang, pwede,” saad ni Diaz.

Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz/FB

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, dinepensahan si Sarah Lahbati sa paglalako ng mga gamit

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Diaz kung may partikular siyang tinutukoy na mga opisyal o sitwasyon. Gayunman, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang kaniyang pahayag.

May ilang sumang-ayon sa obserbasyon ni Diaz at nagpahayag ng kahalintulad na sentimyento tungkol sa kalidad ng mga lider sa pamahalaan.

Samantala, may ilan ding nagpahayag ng kani-kanilang pananaw tungkol sa pagpili ng mga botante sa mga kandidatong kanilang ibinoboto.