Nakibahagi ang Kapuso star na si Barbie Forteza sa ginanap na FCC Women’s Run nitong Linggo, Marso 8, bilang bahagi ng paggunita sa International Women’s Day.
Tinapos ni Forteza ang 10-kilometrong takbuhan kasama ang iba pang kalahok na sumuporta sa layunin ng naturang aktibidad na ipagdiwang ang lakas, kakayahan, at pagkakaisa ng kababaihan.
Sa panayam naman ng GMA News kay Barbie, nagbitaw siya ng isang makabuluhang pahayag para sa kababaihan.
"I'm just so proud of all the ladies na nakatakbo ko today. Ang gaganda ng mga katakbo ko. I feel very safe kasi I'm around all the women."
"Well, a wise woman once said, men have no right to tell women to shut up," aniya.
Hindi naman inelaborate ni Barbie kung sino ang tinutukoy niyang "wise woman" na kaniyang na-quote, at kung ano ang "hugot" niya tungkol dito.