Hindi inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang permit ng grupong Gabriela para magsagawa ng programa sa Liwasang Bonifacio kaugnay ng pagdiriwang ng International Working Women’s Day.
Batay sa mga ulat, nakatakda sana ang aktibidad sa Linggo, Marso 8, 2026 ngunit hindi ito pinayagan ng pamahalaang lungsod.
Ayon sa nagkalat na larawan ng liham ng Manila LGU, ipinaliwanag ng tanggapan ng lungsod ang dahilan ng hindi pag-apruba sa kanilang aplikasyon.
Ayon sa nakasaad sa liham, “We regret to inform you that this Office cannot grant you a permit for the said activity due to the holding of the ASEAN Summit in Manila from February to December 2026.”
Ibig sabihin, hindi pinayagan ang nasabing aktibidad dahil sa isinasagawang paghahanda at pagho-host ng ASEAN Summit sa Maynila mula Pebrero hanggang Disyembre 2026.
Dagdag pa sa liham, “Thank you very much for your understanding. GOD bless.”
Ang nasabing permit ay para sana sa programa ng Gabriela bilang bahagi ng paggunita sa International Working Women’s Day.
Wala pang inilalabas na karagdagang pahayag ang grupo kaugnay ng desisyon ng Manila LGU.