April 19, 2026

Home BALITA National

Ilang netizen, umalma sa ulat ng pamahalaan ugnay sa repatriation ng higit 200 Pinoy mula Dubai

Ilang netizen, umalma sa ulat ng pamahalaan ugnay sa repatriation ng higit 200 Pinoy mula Dubai
Photo courtesy: OWWA (FB)

Inalmahan ng netizens ang kamakailang ulat ng Malacañang, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Migrant Workers (DMW) hinggil sa 299 na Pinoy mula sa Dubai na na-repatriate sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa Middle East. 

Ayon sa Malacañang, OWWA, at DMW, ligtas na nakalapag ang Flight Emirates EK336 ng nasabing mga repatriated na mga Pinoy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong 6:45 ng umaga noong Huwebes, Marso 5. 

Kabilang daw sa mga nauiwi ay ang Overseas Filipino Workers (OFWs), mga turista, at iba pang biyaherong pansamantalang nasuspinde ang flight dahil sa sigalot sa Middle East. 

MAKI-BALITA: Unang ‘repatriation flight’ mula Middle East, ligtas na naiuwi higit 200 Pinoy

Gayunpaman, ang mga ulat na ito ay pinabulaanan ng maraming netizens dahil hindi raw ito “repatriation” bagkus, isa umano itong “commercial flight” ng Emirates Airlines, at binayaran umano ng mga pasahero. 

National

Sen. Ping, planong pigain si Zaldy Co!

“Isa pa tong mali-mali magbalita. [T]his is not repatriation! Walang repatriation pang nangyayari sa UAE! Limited flight ‘yan kahapon, Wednesday ng Emirates Airlines. [T]hose people paid their own tickets.” 

Ayon naman sa ilan, ang mga pasaherong ito ay “stranded passengers” mula sa Dubai patungong Pilipinas.

“This is not repatriation; they are stranded passengers in Dubai bound to PH. The UAE covered their expenses including hotel accommodation and ticket rebooking to ensure they can return home safely.” 

“[W]ala naman repatriation, ‘yan ‘yung mga turista sa [D]ubai na na-delay ang flight pauwing [P]inas.”

“[H]ahahaha sana i-clear if legit OFW talaga lahat iyan oh tourist lang na stranded. [A]nyways repatriation po marahil ito ng mga tourist or non-contract OFW. [K]ung meron man super majority ng OFW will stay in their respective host country dahil mas safe pa kami keysa Pilipinas. [R]eal talk po iyan.” 

“Hahahaha hindi 'yan repatriation mga UNGAS. [M]ga stranded ‘yan sa Dubai. Emirates Airlines nagpauwi sa kanila.” 

“Siyempre ligtas ang mga yan mga timang. [W]ala pang gera may mga ticket n ‘yan galing sa kompanya, amo o sarili nilng pera na stranded lang pero di tulong ng gob. [E]to naman mga credit grabber mga loslos.” 

Samantala, isang netizen naman ang buong nagdetalye ng kaniyang kaalaman hinggil sa flight sa comment section sa ilalim ng ulat ng Manila Bulletin noon ding Marso 5. 

“Just to clarify for everyone regarding EK336 EK336 is part of the gradual resumption of operations by Emirates. This flight is primarily prioritizing stranded passengers whose original flights were cancelled due to recent disruptions,” saad ng netizen.

“It is NOT officially announced as a repatriation flight, and there has been no confirmation that it is a government-coordinated repatriation effort. Repatriation flights are usually officially announced by the embassy or the government concerned. In this case, this is a commercial flight under Emirates’ operational recovery plan. Let’s make sure we verify information before sharing to avoid confusion and unnecessary worry,” aniya pa. 

Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag ang Malacañang at iba pang ahensyang kaugnay rito hinggil sa mga komentong ito. 

Sinubukan na rin ng BALITA na kunin ang panig ng mga ahensya ukol dito, ngunit wala pa silang tugon. 

Sean Antonio/BALITA