February 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Motorista, nagbabala: Lalaki, puwersahang nambubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard!

Motorista, nagbabala: Lalaki, puwersahang nambubukas ng pinto ng kotse sa Bacoor Boulevard!
Photo courtesy: Screenshots from Lorie Sy via Daryll (FB)

Viral ang Facebook post ng isang babaeng motorista matapos maranasan ang isang umano’y nakaaalarmang insidente, nang tangkain daw ng isang estrangherong lalaki na buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan habang nakahinto ito sa stoplight sa kahabaan ng Bacoor Boulevard bandang 12:30 ng tanghali.

Batay sa social media post ng isang nagngangalang Lorie Sy, na ibinahagi na rin ng mga netizen, naglalakad umano ang lalaki sa gilid ng kalsada nang mapansin niyang huminto ito at tumitig sa kaniyang sasakyan.

Ayon sa kaniya, una niyang inakalang magpapatuloy lamang sa paglalakad ang lalaki, ngunit kalaunan ay lumapit ito sa kaniyang kotse.

Dito na umano biglang hinila ng lalaki ang door handle ng kotse. Dahil dito, agad kumuha ng cellphone ang nagmamaneho upang makuhanan ng video ang insidente bilang ebidensya sakaling may mangyaring masama.

Probinsya

Estudyanteng babae, pinagtulungang sipain at suntukin sa loob ng classroom!

Sinubukan din umano niyang paalisin ang lalaki sa pamamagitan ng pagkatok sa bintana at pagbusina upang maalerto ang mga tao sa paligid. Gayunman, ayon sa kaniya, lalo pa umanong naging agresibo ang lalaki at mas madiing hinila ang pinto. Sa kabutihang-palad, naka-lock ang sasakyan kaya hindi ito nabuksan.

"so this happened this afternoon around 12:30pm along bacoor blvd. at first the man was just walking along the sidewalk when he stopped and stared at my car (which i saw with my peripheral vision) then he kind of walked past my car so i took a peek if he really did just walk past my car but then he started walking towards my car (so i quickly grabbed my phone and took this video just so i have evidence if ever something really bad happens) and he started aggressively yanking my car door handle so i tried scaring him off by tapping my window and pressing my car horn to alert bystanders but it didn't do anything. it just escalated his desire to yank my door open thank god my door was locked," aniya.

Nang magbago raw sa green ang traffic light at magsimulang umandar ang mga sasakyan, kumapit pa umano ang lalaki sa door handle habang umaandar ang kotse bago tuluyang bumitaw.

Nanginginig daw ang nabanggit na motorista hanggang sa makarating na siya sa destinasyon niya.

Ibinahagi ng netizen ang karanasan bilang babala sa kapwa motorista na palaging tiyaking naka-lock ang kanilang mga sasakyan sa sandaling pumasok sa loob nito.

"When the stoplight finally went green he held onto my car door as i was accelerating (as seen in the video) and as the cars started moving that's when he let go of my car door handle."

"I was shaking the whole car ride, up until i arrived at my destination (the ride back home wasn't as pleasant cos i was so anxious and tensed and my chest felt tight)."

"posted this for awareness and a reminder to all car owners/drivers to ALWAYS lock your doors upon entering your car," aniya pa.

Hindi naman natukoy sa post kung ano ang motibo ng lalaki, at kung may sandata ba siyang dala nang mangyari ito. 

Photo courtesy: Screenshot from Lorie Sy via Daryll (FB)

Samantala, isang concern netizen naman na nagngangalang "Daryll" ang nagbahagi ng video ni Lorie, at nagpaalala sa mga motoristang siguraduhing nakasarado ang pinto ng mga sasakyan, lalo na kapag nakatigil ito. 

"PLEASE LOCK YOUR DOORS IMMEDIATELY," mababasa sa post niya.

"Saw this video from Lorie Sy today along BACOOR BLVD. A man was caught aggressively yanking on her car door handle while she was stopped at a light."

"Don't wait for your car to auto-lock once you start moving—lock it manually as soon as you sit down. It only takes a second for something like this to happen. Stay safe and please share this to warn your family and friends!" aniya pa. 

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang mga awtoridad kaugnay ng nasabing insidente. Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng nabanggit na lalaki, at kung ano ang pakay niya.