February 18, 2026

Home SHOWBIZ

Giit ni Suzette: 'Hindi sex o libog hanap ng mga nanood sa Sexbomb concert!'

Giit ni Suzette: 'Hindi sex o libog hanap ng mga nanood sa Sexbomb concert!'

Binigyang-diin ni GMA headwriter at creative consultant Suzette Doctolero ang dahilan ng mga tagasuporta ng SexBomb Girls sa panonood ng concert nito.

Sa isang Facebook post kasi ni Suzette kamakailan, sinabi niyang hindi umano sex o libog ang hanap ng fans ng nasabing nation’s girl group.

Aniya, “Hindi sex o libog ang hanap ng mga nanood sa Sexbomb concert.  Ano mapala ng mga libo-libong bading, mga bata at babae na nanood?” 

“Aliw, nostalgia, relatability, makalimot sa toxic na mga issue at problema, at simbolo ng kabataan nila ang Sexbomb Girls,” dugtong pa ni Suzette. 

'Walang halong kaplastikan!' Sunshine Garcia, ipagdarasal buong pamilya ni Izzy Trazona

Ito ay matapos niyang ibahagi ang video clip ng panayam ni Alvin mula sa isang radyo-pahayagan kung saan binigyang-malisya nito ang pangalan, pananamit, at sayaw ng SexBomb Girls.

“I-explain ko [kung] ano bang mali sa pangalan. SexBomb, ano ba 'yong sex? Iisipin lahat ng bata, ano 'yong sex? Sex is actually created by God, na ginagamit ng husband and wives. Not girlfriend, boyfriend. At hindi dapat isipin ng bata agad 'yon,” saad ni Alvin.

Dagdag pa niya, “[M]edyo iwas do'n. Hindi pleasing 'yon. Hindi magandang impluwensiya sa maraming tao sa Pilipinas, sa mga bata especially.”

Kaya naman umiwas na raw dito ang misis niyang si Izzy Trazona dahil ito raw ang kagustuhan ng Panginoon, ani Alvin.