Updated talaga si Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa mga nagba-viral at trending na isyu sa social media, matapos na naman niyang magpakawala ng hirit na biro nitong Martes, Pebrero 17.
At mukhang ang bunot niya today, ang kontrobersiyal na mister ng dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona, na si Alvin Aragon na dati namang avenger ng StarStruck Season 1.
Sa segment na "Laro, Laro Pick," bumanat si Meme Vice na nadagdagan na ang dating sampung utos ng Diyos.
Biro niya, 11 na raw ang utos ng Diyos.
"Ilan ang utos ng Diyos?" tanong ni Vice Ganda sa contestant.
"Ten po, Meme," sagot naman nito.
"Dati sampu, ngayon labing-isa na," ani Vice na kilalang walang ka-filter-filter pagdating sa paghirit.
"Yung pang labing-isang utos ng Diyos, sabi mag-resign ka sa SexBomb sabi ng asawa ni Izzy."
Nag-ugat ito sa mga naging kontrobersiyal na sagot ni Alvin sa isang panayam, kung bakit hindi nakasama sa reunion concerts ng iconic girl group ang misis.
"Sinasabi nila, ‘Kaya pala wala sa SexBomb si Izzy dahil sa lalaking 'yan, eh.’ Teka lang, ha! Matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang. Hindi pa nga ako yung asawa, eh," paliwanag niya.
“Sino ang nagpa-resign kay Izzy sa SexBomb? Ang Panginoon, noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord," aniya pa.
Kaugnay na Balita: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Alvin tungkol dito.